"Nothing Like Us" FINAL
Nandito parin ako ngayon sa tabing dagat. Pakiramdam ko nag-iisa ako. May nagawa ba ako para tanggihan niya ko? Masyado bang mabilis ang pangyayari kaya ayaw niya?
"Moey.."
Tumingin ako sa katabi ko na nakasandal ang ulo sa balikat ko.
"Moey, bakit ang tahimik mo?"
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sakanya. Hindi ko nga alam kung ano na tong nararamdaman ko sakanya eh. Gusto kong sumigaw sa pagtanggi niya. Imbis na sagutin ko siya, nanatili nalang akong tahimik. May dapat pa ba akong sabihin sakanya pagkatapos ng nangyari?
"Moey?" Hinarap niya ang mukha ko sakanya.
Umiwas ulit ako ng tingin.
"Moey..wag ka galit sakin please? Di ko kaya."
"......"
Tumayo siya at lumuhod sa harap ko. Nakaupo nga pala kaming dalawa ngayon. Nakatingin sa dagat. Ngayon naman nasa harap ko na siya.
"I love you Moey.."
Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Ang ganda nito. Nakita ko sa mata niya na may gusto siyang ipahiwatig. Hindi ko nalang pinansin yun. Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Napatingin din ako sa labi niya.
Maya maya..
Naramdaman ko nalang ang malambot niyang labi sa labi ko. Ang sarap sa pakiramdam. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit niya ito ginagawa basta ang tanging alam ko lang masaya ako sa ginagawa namin ngayon. Pinaparamdam ba niya na mahal niya ko? Na sapat na ang pagmamahal na meron siya sakin para maghintay ako sakanya hanggang maging maging maayos na siya? Hanggang sa maging normal?
"Hintayin mo ang pagbabalik ko Moey ah? Papakasalan kita."
Sabi ni Julie ng matapos ang halik. Napangiti nalang ako. May mga dahilan siguro si Julie na hindi ko pa maintindihan ngayon. Hahayaan ko nalang muna siya sa gusto niya.
"Promise?" Tanong ko.
Ngumiti siya sakin. "Promise."
******
Dinala ni Elmo si Julie sa isang kwarto. Nagbihis sila dahil pupunta na sila sa restaurant kung nasaan ang malalapit nilang kaibigan. Masaya naman ang lahat. Ang iba ay nadismaya dahil hindi sumagot si Julie sa tanong ni Elmo. Natapos ang gabi na may ngiti sa mukha ni Julie at Elmo. Masaya sila kahit pa hindi nag yes si Julie kay Elmo.
"Julie..ang sabi ni Daddy sakin aalis ka na daw bukas?"
Tumango naman si Julie. "Yes. Gusto ko kasi masimulan na agad eh. Para naman makabalik na ko agad sayo."
"Talaga? Hehe. Sana may improvement na mangyari at kahit wala pa ayos lang sakin. Mahal pa rin kita."
Magkahawak kamay si Julie at Elmo na naglalakad. Naisipan nilang maglakad lakad. Gusto pa kasi makasama ng matagal ni Julie si Elmo bago siya umalis. Umuwi din sila kaagad para makapaghanda si Julie.
"Paano? Bukas nalang ulit? Ihahatid kita.."
Umiling si Julie. "No. Please. Ayokong makita ka habang papaalis ako. Gusto ko dito ka lang."
Tumango naman si Elmo. Inintindi nalang niya ang kagustuhan ni Julie.
"So.."
"I'll see you very soon, Moe."
At hinalikan niya si Elmo sa pisngi.
******
"Good morning Sir Elmo."