"Nothing Like Us" JuliElmo 5

3K 36 4
                                    

Mahigit dalawang linggo ng naglalaro at magkasama si Julie at Elmo. Bawat araw may natututunan si Julie kay Elmo dahil tinuturuan niya ang dalaga. Napagpasyahan ni Elmo na ituro kay Julie ang mga bagay na dapat nitong malaman. Nasa kwarto sila ni Julie ngayon.

“Julie, hindi tayo makakapaglaro bukas ah?” sabi ni Elmo habang nagbabasa ng libro.

Napatigil naman si Julie sa pag drawing. “Huh? Bakit Moey?? Ayaw mo na ba akong kalaro?”

Tumingin si Elmo kay Julie at napatawa. “Ikaw talaga! Kung ano ano ang naiisip mo.” lumapit siya kay Julie.

“Eh bakit hindi tayo maglalaro bukas?” nakasimangot na tanong ni Julie.

“Pupunta kasi ako sa school bukas. Mag eenroll ako.”

“Buong araw ka dun?”

Tumango si Elmo. “Parang ganun na nga. Pahirapan kasi ang pag eenroll sa school namin eh.”

“Pwede..pwede ba akong sumama?”

“Naku, baka mapagod at mainip ka lang dun Julie. At tska madaming tao dun dito ka nalang, maglalaro naman tayo sa susunod na araw.”

Yumuko si Julie. “Gusto ko kasi makita kung ano ang ginagawa ng iba sa school.”

Nakaramdam naman ng awa si Elmo kay Julie sa sinabi nito. Naalala niya na hindi pala pumapasok si Julie sa school at nag hohome study lang ito.

“Gusto mo ba talaga akong samahan bukas?”

Napaangat ng tingin si Julie kay Elmo. “Oo.”

“Sige, payag na ko pero kailangan ko muna magpaalam sa Daddy at Mommy mo na isasama kita bukas.” Ngiting sagot ni Elmo.

At napayakap bigla si Julie kay Elmo. “Yey!!! Thank you moey!! Thank you so much!!”

“Hahaha! Sige na mag drawing ka na ulit.”

Tumango naman si Julie at nag drawing ulit.

“Daddy? Pwede po ba akong sumama kay Moey bukas?”

“Hmm? Saan naman?” tanong ni Mari.

“Sa school po niya.” Nakangiting sabi ni Julie.

“Sa school ni Elmo? Ano ang gagawin niyo dun?” sabi ni Nathan.

“Mag eenroll po kasi ako at gusto daw po ni Julie na sumama sakin. Ok lang po kung isasama ko siya?.”

Tumango tango naman si Nathan. “Sige Elmo, basta Julie magpapakabait ka ah? Wag mong papasakitin ang ulo ni Elmo bukas dahil magiging busy siya. Maliwanag ba yun baby?”

Lumapit naman si Julie sakanyang ama at niyakap ito ng napakahigpit. “Thanks Daddy!! The best ka talaga!!!” tumingin sa ina. “Mom? Papayag ka din diba po?”

“Oo naman, basta baby yung bilin ni Daddy wag mong kakalimutan ah? Wag na wag mong papasakitin ang ulo ni Elmo. Wag kang makulit dun ha? Good girl lang dapat.” Bilin ni Mari.

“Yes Mom!” tumingin kay Elmo. “Moey? Narinig mo ba yung sinabi ni Mommy at Daddy? Pumayag sila!!! Hehehe!”

“Oo Julie.” Natatawang sabi ni Elmo. “So paano ba yan? Kita nalang tayo bukas ah? Hahanapin ko pa yung mga kakailanganin ko para bukas.”

Tumango si Julie. “Sunduin mo ko Moey ah? Wag mo kong kakalimutan.”

“Oo naman! Bye alis na muna po ako.” Paalam ni Elmo.

“Sige Elmo! Ingat ka.”

Kinabukasan....

Maagang nagising si Julie. Excited siya sa araw na ito dahil makakapunta na siya sa school ni Elmo. Agad siyang naligo at pinahanda agad sa yaya niya ang kanyang susuotin. Nakakain na din siya ng breakfast.

"Nothing Like Us" (A JuliElmo Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon