"Nothing Like Us" JuliElmo 9

2.5K 47 7
                                    

"Nothing like Us" 9

"Julie!!! May bisita ka." Sigaw ni Yaya. Agad namang bumaba si Julie at tuwang tuwa ng makita ang kanina pang inaantay.

"Maquiii!"

"Hello Julie! Sorry late ako ah? Alam mo naman ang mga girls sa school kung makapag antay kay Elmo sa labas ng classroom daig pa ang guard! Hirap tuloy lumabas."

"Ok lang. Upo ka muna." At naupo na silang dalawa. "Yaya, pahanda naman po kami ng pagkain."

"Okiii."

"So ano? Nasabi mo na ba kay Elmo? Natanong mo na ba siya?"

Umiling si Julie. "Hindi pa Maqui, pero sasabihin ko din yun sakanya. Matutuwa kaya siya kapag nalaman niyang crush ko siya?"

"Hmm, sure ka na ba talaga dyan sa nararamdaman mo? Uhmm, i mean..hmm. Dun tayo sa kwarto mo mag usap ok lang ba?"

Tumango naman si Julie at dinala na niya si Maqui sa kwarto nito. Nilibot ng mata ni Maqui ang paligid at nakita niya na maraming laruan dun. Para talagang kwarto ng bata. Umupo si Maqui sa kama ni Julie at si Julie naman ay kinuha ang cake na dala dala ng Yaya niya,

"Ito na oh? Kain na tayo?"

"Sige sige salamat. Hmm, so ayun nga Julie, hindi naman sa...uhmm, ani kasi..alam kong magka edad lang tayo pero ano kasi...iba ka."

"Iba?" Nagtatakang tanong ni Julie.

"Oo iba...uhmm, sabihin na nating masyado pang bata ang puso mo? Pwede kang makaramdam ng sakit o kaya kalungkutan sa gusto mong pasukin alam mo ba yun?"

"Sakit? Lungkot? Bakit Maq? Ganun ba ang mangyayari kapag sinabi ko kay Moey na crush ko siya?"

"Hindi naman sa ganun...i mean..paano kung iba yung maging reaksyon ni Elmo? Paano kung hindi siya matuwa?"

Umiling iling si Julie. "No..no, kilala ko si Moey alam ko na matutuwa siya kapag nalaman niyang crush ko siya. Oo tama matutuwa yun."

"Hayyy. Mukhang sure ka na nga talaga sa nararamdaman mo para sakanya. Ok sige, tutulungan kita. Willing ka ba magbago?"

"Magbago? Ng ano?"

"Hmm." Tumayo si Maqui at binuksan ang closet ni Julie. "Simulan natin sa pananamit mo." Tumayo naman si Julie at nilapitan si Maqui.

"Panget ba suot ko?"

"Hindi naman sa panget pero pambata kasi eh. Alam mo dalaga ka na hindi na dapat ganyan ang sinusuot mo. Teka, alam mo naman siguro na dalaga ka na noh?"

Tumango si Julie. "Oo naman, kasi nung 12 ako sabi ni Mommy dalaga na daw ako kasi isang umaga nakita ko na may dugo sa kama. Sabi ni Mommy monthly period daw yun ng mga babae. Kaya dalaga na ko."

"Oo dalaga ka na talaga kaya kailangan kumilos ka ng pang dalaga. Tingnan mo yung damit ko ngayon diba magkaiba tayo? Tsaka yung buhok mo lagi nalang naka ipit mas maganda kung ilulugay mo yan para mas makita pa ang kagandahan mo."

"Talaga? Kapag ba maganda ang isang babae sa tingin mo magkakagusto sa kanya ang isang lalaki?"

"Wala naman sa ganda yan basta mabuti at maganda ang ugali mo magugustuhan ka ng taong gusto mo."

Napangiti naman si Julie. "Talaga Maq? So kapag gumanda ako magugustuhan ako ni Moey?"

"Maganda ka naman Julie. Ang gagawin lang natin mas papagandahin ka pa lalo." At ngumiti si Maqui ng napaka wagas.

Lumipas ang mga araw at hindi na gaano nagkikita si Julie at Elmo na ipinagtaka naman ng binata. Inaamin ni Elmo na kahit may kakulitan si Julie eh namimiss naman niya ito. Ang natatandaan nalang ni Elmo noon na sinabi sakanya ni Julie ay

"Hintayin mo ko Moey". May party ngayon sa bahay nila Frank at imbitado silang lahat, kitang kita ni Elmo na lahat ng tao dun ay may kapareha.

"Uwi nalang ako Frank!" Sabi ni Elmo.

"Uii wag! Elmo naman!"

"Pagod ako Frank tsaka hindi ko talaga alam kung mag eenjoy ako sa party na ito. Sorry dude. Ayoko naman na sirain ang party mo."

"Sandali nga captain." Pigil ni Frank kay Elmo.

"Ohh? Bakit?"

"Miss mo siya noh?"

"Sino?"

"Siya."

"Sinong siya? At tumingin ka nga sakin Frank!"

"Ohh crap! Captain! Siya. Siya nga yun."

"Ha?" Nagtatakang lumingon si Elmo sa lugar kung san nakatingin si Frank at napanganga siya ng makita niya ang sobrang pamilyar na tao.

"Captain!" Tapik ni Frank kay Elmo.

"Maqui...with Julie?" Halos pabulong na sabi ni Elmo.

Lumapit si Maqui at Julie kung nasaan sila Elmo. Halos lahat ng tao dun ay nakatingin lang kay Julie at Maqui.

"Beautiful." Sabi ni Frank. "Julie? Is that you? Hindi kita nakilala nung una ah?"

Nag smile lang si Julie kay Frank at muling ibinalik ang tingin kay Elmo na nakatulala sakanya ngayon.

"Hi Moey."

"Julie..." At unti unti siyang ngumiti kay Julie. She is so beautiful. Super. Hindi na niya napigilan ang sarili at nayakap niya ng mahigpit si Julie lahat naman tao dun ay nagtilian.

"Moey." Tuwang tuwang sabi ni Julie.

"I missed you. So much." Bulong ni Elmo.

To be continued..

- gosh! Ilang months ko ba itong hindi inupdate? 4 months??? Sorry guys ah? ;((( pero itutuloy ko toh. Tatapusin ko kung ano ang nasimulan ko. :))

"Nothing Like Us" (A JuliElmo Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon