"Nothing Like Us" 16

1.9K 49 7
                                    

"Nothing Like Us" 16

"Ok ka na ba?" Tanong ni Elmo habang hinahaplos nito ang buhok ni Julie. Nakahiga kasi ito sakanyang dibdib.

"Moey.."

"Hm?"

Tumingin si Julie kay Elmo.

"Si Mommy and Daddy nasa dream ko."

"Talaga?"

Tumango naman si Julie. Bigla itong umupo at tumayo papunta sa closet niya. Tiningnan lang siya ni Elmo. May kinuha si Julie sa closet niya at ng makuha niya yun ay agad siyang bumalik kay Elmo.

"What's that?" Tanong ni Elmo.

May hawak na malaking box si Julie. Simpleng box lang yun. Binuksan ni Julie ang malaking box.

"Julie.."

"Sabi sakin ni Mommy hindi naman talaga ako ganito..sabi niya hindi naman ako isip bata..."

Hinawakan ni Julie ang isang manika. Napakaganda ng manikang yun pero mapapansin mo ang dugong bumabalot dito.

"Siya ang dahilan kung bakit ako ganito.."

Flashback..

5 years old nun si Julie. Kakagising lang niya at naisipan niyang pumunta sa kwarto ng magulang niya.

"Mommy!! Daddy! Wake up!!" Sigaw ni Julie.

Pumasok siya sa kwarto ng magulang niya tsaka nagtatalon sa kama nito. Tuwang tuwa naman si Nathan at Mari sa anak nila.

"Princess, bakit ang aga mong mangising?" Tanong

"Kasi po daddy sunday po ngayon! Sunday is family day and church day!"

"And?" Nakangiting tanong ni Mari.

"Magsisimba po tayo tapos pupunta tayo sa mall tapos bibili po tayo ng toys ko."

Sabay naman na natawa si Mari at Nathan.

"Ok sige sige. Kung ano man ang gusto ng princess namin yun ang masusunod. Magpaligo ka na kay Yaya mo."

Natawa naman si Julie. "Daddy, big girl ba po ako kaya ko na po maligo mag-isa."

"Fine fine. Haha. Sige na mag-aayos ba din kami ng mommy mo."

Nagmamadaling bumalik si Julie sa kwarto niya tska naligo.

"Lalalalala.." Pakanta kanta pa siya habang naliligo ng may maalala siya.

"Nakalimutan kong tanungin kay Yaya kung nasan yung pink na dress ko."

Kahit may sabon sabon pa ang katawan ay lumabas ito sa banyo. Nag tapis lang siya ng tuwalya.

"Emily?" Nilapitan niya ang manika niya.

"Papalaban kita kay Yaya ang dumi mo na pala." Kinuha niya ito.

Pumunta siya sa may hagdanan. Sisigaw nalang siya dahil alam niyang maririnig naman agad siya ng Yaya niya.

"YAYA!!!" YAYA!!"

Nagmadali namang lumabas si Yaya sa kusina. Tumingala ito para makita ang alaga.

"Oh bibi girl? Bakit ka nagsisigaw dyan?"

"Yaya, isusuot ko po yung pink dress ko ah? Pakihanda nalang po."

"Yun naman pala sige sige."

"Thanks Ya!"

Paalis na sana si Julie ng maalala niya si Emily.

"Oo nga pala.."

Tatawagin na sana niya ulit ang Yaya niya ng bigla niya nabitawan si Emily kaya nahulog ito sa hagdan.

"Nothing Like Us" (A JuliElmo Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon