"Nothing Like Us" JulElmo 10

2.6K 42 3
                                    

"Nothing like Us" Part 10

Nakangiting pinagmamasdan ni Elmo si Julie. Hanga talaga si Elmo sa nasisilayan niyang ganda.

"Moey? May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ni Julie.

Umiling si Elmo.

"Siguro..siguro hindi mo nagustuhan tong suot ko noh? Hindi ka siguro nagandahan sakin noh?" Nakayukong sabi ni Julie.

"No..no..nagustuhan ko siya Julie. Ang ganda nga ng suot mo ngayon eh bagay na bagay sayo."

Tumingin si Julie kay Elmo. "Talaga Moey?"

"Oo naman. You look beautiful tonight." Nakangiting sabi ni Elmo kay Julie. Napangiti naman ng wagas si Julie at niyakap agad si Elmo.

"Thanks Moey."

"Para saan?"

Hindi na sumagot pa si Julie at mas niyakap nalang si Elmo ng mas mahigpit. Nasa garden sila ngayon, maingay kasi sa loob kaya naisipan nalang nila na lumabas.

"Captain!" Tawag ni Frank.

Lumingon si Elmo. "Oh bakit?"

"May pagames dun sa loob sali kayo ni Julie."

"Games?" Biglang lingon ni Julie kay Frank.

Tumango si Frank. "Oo Julie. Masaya yun partner kayo ni Elmo may prize kapag nanalo."

"Talaga?" Agad na tumayo si Julie. "Moey..moey!! Sali tayo please?"

Napangiti naman si Elmo. "Sure."

Pumasok sila sa loob at sumali sa mga games na hinanda ng basketball team. Marami silang nilaro tulad ng putukan ng lobo,bring me,pass the message at kung ano ano pa. Para lang silang bumalik sa pagkabata.

"Ayos ang mga laro mo Frank ah!" Sabi ni Kris.

"Haha. Ayoko kasing tumanda kaya naman babalik ako sa pagkabata kasama kayo."

"Hahaha! Ayos ka at talagang ganito ang attire? Ewan ko sayo! Haha!"

Paper dance naman ang sunod na laro. Nakaupo lang sa isang tabi si Julie at Elmo dahil nagpapahinga sila. Sinalihan na kasi nila lahat ng laro ang problema, talo sila kaya naman malungkot si Julie dahil hindi sila nananalo.

"Sali tayo?"

"Wag na..hindi naman tayo mananalo sakanila eh. Masyado silang magaling." Naiiyak na sabi ni Julie.

Lumuhod si Elmo sa harap ni Julie para mapantayan ito. "Wag kang susuko. Laban lang. Diba gusto mo makuha yung malaking teddy bear na yun? Try natin malay mo manalo na tayo ngayon."

"Paano kung hindi?"

"Edi mag try ulit tayo."

Tumango nalang si Julie at sumama kay Elmo. Naglaro sila at ilang minuto din ang nakakalipas at dalawang pares nalang ang natira. At kasama si Elmo at Julie sa pares na yun.

"Moey..ang liit na nung paper hindi na tayo mananalo dyan."

"Akong bahala."

Nagsimula ng tumugtog ang kanta at sumayaw sila. Ilang sandali pa ay huminto ang kanta, agad na binuhat ni Elmo si Julie. Gulat na gulat si Julie sa ginawa ni Elmo para siyang nasa fairytale book na pinapanuod niya sa bahay. Para siyang prinsesa na buhat ng kanyang prince charming.

"Panalo ang team ni Julie at Elmo!"

Binaba ni Elmo si Julie. "Julie, narinig mo ba yun? Panalo tayo!!"

Nakatingin lang si Julie kay Elmo.

"Uii! Ayos ka lang?"

"Moey.."

"Nothing Like Us" (A JuliElmo Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon