"Nothing Like Us" 18
"Aray!"
Napatingin si Elmo sa taong bumato sakanya. Si Maqui.
"Parang tanga lang, Moe? Ngiti ngiti mo dyan?"
"Wala naman. Masaya ako eh."
"Bakit naman?"
Umiling nalang si Elmo. Tumingin siya sa paligid. Nasa school kasi sila ngayon. Hindi pa naman pasukan pero kinailangan lang nila pumunta dun.
"Si Julie noh?" Tanong ni Maqui.
Napangiti si Elmo at tumango.
"Moe, sure na ba talaga na aalis siya? Payag ka talaga dun?"
"Para sakanya naman yun. Ayoko na nga siyang malayo sakin pero ano ba naman yung anim na buwan diba?"
"May point ka naman."
Nasa Faculty room sila ngayon. Inaayos ang mga kung ano ano dun.
"Oo nga pala, nasabi mo na ba kay Julie yung sinabi sayo ng Daddy mo?"
Tumango si Elmo.
"Ohh? Anong sagot niya? Paano mo niyaya? Kwento."
Napatawa nalang si Elmo. "Mamaya na. Mas maganda kung tatapusin muna natin toh diba?"
"Ano ba yan! Dapat pala hindi na tayo pumayag na tumulong dito."
"Ano ka ba! Ayos lang yan."
Isang oras din silang nanatili sa faculty room bago matapos ang mga pinagawa sakanila ng kanilang guro. Umalis na sila at napagpasyahan na kumain sa isang bakeshop.
"So?"
Ngumiti lang si Elmo bago magkwento.
Flashback..
Hinalikan ni Julie si Elmo.
"Julie.." Sabi ni Elmo ng gulat gulat pa din.
Pareho silang tahimik at namumula. Actually si Elmo talaga ang namumula. Si Julie tahimik lang.
"Kain tayo?" Tanong ni Julie.
"Uhm.."
"Tara?" Tumayo na si Julie.
Nag maglapat ang labi nila kanina napaisip na si Elmo ng dapat niyang gawin. Tumayo siya at kinuha ang kamay ni Julie.
"Julie, naalala mo ba yung sinabi ko na ako ang magiging prince mo at ikaw ang princess ko?"
Tumango naman si Julie.
"Well.." Huminga muna ng malalim si Elmo bago magsalita.
"Pwede ka bang maging prinsesa ko? Habangbuhay?"
Napangiti naman si Julie. Hinawakan niya ang kamay ni Elmo.
"Princess mo naman talaga ko diba Moey? Ayos lang sakin yun. Sorry kasi hindi ko maintindihan kung ano yung princess mo habangbuhay?"
"I want you to marry me."
"Marry?" Inosenteng tanong ni Julie.
"Yes. Marry."
Tumalikod si Julie. Nagulat naman si Elmo.
"Diba kapag gusto mo yung isang tao or love mo tsaka mo lang siya papakasalan?"
"Y--yes."
"Do you love me ba Moey?"
"Yes Julie."
Humarap ulit si Julie kay Elmo.
"You love me? Then wait for me."
"Ha?"
Ngumiti si Julie kay Elmo. "Alam ko naman na ganito ako but I know something about love. Mommy told me so. I promise I will marry you just please wait for me hanggang sa maging ok ako."
"Julie.."
"You're not sure about this right?"
"How did you know?"
"Stuttering Moey."
Napangiti si Elmo. "Sorry Julie. Nagulat ba kita?"
"Not really."
Tumango si Elmo at hinawakan muli ang kamay ni Julie.
"May feelings ako para sayo Julie. I know. Hihintayin kita. Papakasalan mo ko ah?"
Natawa si Julie. "Yes Moey."
End of Flashback..
"What? Ganun ka lang mag-aya ng kasal? Can't believe that! Hate you Moe!" Naiiritang sagot ni Maqui.
"Ohh? Bakit? At least pumayag siyang magpakasal sakin diba? Hihintayin ko ang pagbabalik niya tapos magpapakasal kami."
"Hello! I mean, wala man lang effort? As in ganun lang yun? Mahal mo ba talaga si Julie? Hindi ka man lang ba mag-eeffort?"
"What do you mean?"
"Gosh. Wala kang alam. Ok. Moe, kahit naman ganyan si Julie babae pa din yan. Siyempre kapag mahal mo dapat gagawin mo lahat. Dapat special."
"Hindi ako marunong. Wala akong alam pagdating dyan. Hindi pa ko nagkaka girlfriend diba?"
"Basta paghandaan mo yun Elmo. Hindi pwede yang ginawa mo kahiya toh! Tandaan mo Elmo, ang niyaya mong magpakasal ay ang Julie ngayon. Isip bata. Paano kapag nagbago na? Paano kapag na-meet mo na yung bagong Julie? Pareho pa din kaya? Tingin mo?"
Napa-isip si Elmo dun. Paano nga kaya kung ganun? Tama si Maqui. Masyado kasi siyang nagpadalos dalos at hindi na naisip ang mga gagawin.
"Ano na ang gagawin ko?"
Ngumiti ng nakakaloko si Maqui. Agad niyang hinila si Elmo papunta sa parking lot. Papunta sila ngayon sa mall.
"Sabi ko Maq, help me hindi yung pumunta tayo ng mall."
"Oo nga tutulungan kita pero siyempre kailangan natin ng nga gamit noh!"
"Ha?"
"Basta ako ang bahala."
Hinayaan nalang ni Elmo si Maqui na gawin ang lahat ng mga bagay bagay. Hindi man niya alam kung ano ang balak nito pero alam niyang hindi gagawa si Maqui ng isang bagay na ikakapangit ng gaganapin na proposal niya kay Julie. Natapos na ang lahat pero may isa pa silang pinuntahan. Jewelry shop.
"Maq?"
"Pumili ka ng alam mong babagay sakanya."
Tumingin siya sa paligid. Magaganda ang mga alahas na nandito pero may isang sing-sing ang nakaagaw ng pansin niya.
"Miss, pwede makita ito?" Turo ni Elmo.
"Sige po Sir."
Inabot niya kay Elmo yung sing-sing. Napangiti si Elmo bago tumingin kay Maqui.
"Good choice! Tara na? Marami pa tayong gagawin."
"Sige. Miss kukunin ko toh."
"Naku Sir ang galing niyo pong pumili. Ang swerte naman po ng girlfriend mo."
"Hindi naman. Ako ang mas maswerte sakanya."
Sana magustuhan ito ni Julie. Sana tanggapin niya.
To be continued..