“Him! I want him.” She said very cutely.
“Julie Anne..” lakad dito at lakad doon ang ginagawa ng Daddy ni Julie. “Princess naman, bakit yun ang hinihiling mo? JOSko!”
“Ehhhh! Dad! Please?”
“No way! Hindi pwede yung gusto mo Julie, lalaki? Lalaki na ang hinihingi mo ngayon? Ano yun laruan lang? Hindi ako papayag.”
“Dad!!” sigaw ni Julie.
“Makinig ka sakin, hindi pwede yang gusto mo. Hindi ako papayag. At final na yun.”
At dahil sa sinabi ni Nathan nagsimula ng umiyak si Julie. Umiyak siya ng napakalakas, yung tipong mabibingi ka na with matching dabog pa.
“Nathan? Anong nangyayari kay Julie?” nilapitan ni Mari ang anak na nagwawala. “Julie, princess? Bakit umiiyak ka?”
Kinusot kusot muna ni Julie ang kanyang mata bago magsalita. “Ka..kasi po Mommy si Daddy ehhh! Niaaway niya ko. Ayaw niya ibigay yung gusto ko.”
Tumingin si Mari sa asawa. “Ano bang gusto niya na hindi mo maibigay?”
“Lalaki.”
Napatayo naman si Mari sa gulat. “Anoooo? Lalaki? Lalaki ang gusto niya?”
“Oo. Ayy! Yaya! Ikwento mo nga sa Ma’am mo ang nangyari at kung bakit nagkakaganyan ang alaga mo. JOSko Julie Anne! Sumasakit ang ulo ko sa gusto mo.” At naupo ito.
“Sige Yaya, magkwento ka.”
Lumapit si Yaya kay Julie at pinunasan ito ng pawis pati na din ang luha nito.
“Ganito po kasi ang nangyari Ati.” At nagsimula ng magkwento.
Flashback...
Umaga ng maisipan ni Yaya na ilabas si Julie para mamasyal. Pupunta sila sa park ngayon. Naglalakad lang sila habang si Julie ay naglalaro ng daladala niyang bubbles.
“Lalalalala lala lalala lala” kumakanta si Julie.
“Julie, dahan dahan lang sa paglalakad, baka madapa ka.” Paalala ni Yaya.
Humarap si Julie kay Yaya. “Yaya!”
“Ohhh?”
Ngumiti ng napaka cute si Julie. “Yaya! I want that!” tinuro ang bike na nasa tabi.
“Bisiklita? Bisiklita ang gusto mo? Osigi mamaya sabihin ku kay Koya.”
“No! I want it NOW.” At tumakbo si Julie palapit sa bike.
Hinabol ni Yaya si Julie. “Julie!!! Ikaw talaga! Hindi naman sayo yan eh!” hinatak si Julie papalayo sa bike. “Lika na doon tayo sa park, dun ka maglaro.”
“Eeeeeeeee!! Yaya!!! Sige na, gusto ko sumakay dyan!!” naiiyak na sabi ni Julie.
“Di pwide! Julie Anne! Wag matigas ang ulo mo. Di ka nga marunong sumakay ng bisiklita eh, gusto mo matumba ka dyan?” Saway ni Yaya.
At kahit ayaw iwan ni Julie ang bike wala na siyang nagawa dahil hinila na siya ng kanyang Yaya papunta sa park. Ngayon, nakaupo lang si Julie sa swing. Tahimik lang ito dahil hindi napagbigyan ang gusto. Ugali na kasi niya na magwala pagkatapos kapag hindi napagbigyan ang gusto bigla bigla nalang mananahimik.
“Julie, gusto mo ba ng ice cream? Bibilan ka nalang ni Yaya para hindi ka na malongkot.”
Umiling si Julie. Tumayo ito at nagpunta sa spider web. (yun ba tawag dun? Basta yun! Haha). Naisipan nalang ni Yaya na bilhan ang alaga tutal naman nananahimik lang ito, inakala niya na hindi ito aalis at mananatili lang sakanyang pwesto. Hindi naman kalayuan ang bilihan ng ice cream kaya mababantayan pa din niya ang alaga.
