“Oh Captain? Akala ko ba uuwi ka na?” Tanong ni Enzo.
Tumatakbo takbo si Elmo sa gym kasama ang team niya. Malayo ang isip niya ngayon. Paano na si Julie? Panigurado iiyak yun lalo na nangako siya na makikipaglaro siya pagkatapos ng klase niya.
“Captain!”
Huminto si Elmo at sandaling nagpahinga.
“Bakit?”
“Mukhang malayo ang iniisip natin ah? Ano bang nangyayari sayo captain?”
“Wala wala.” Ano na kaya ang nangyari? Nandyan na kaya si Kuya Rolly? Kasama kaya niya si Julie? Isip ni Elmo.
“Julie!”
Bumaba si Julie sa kotse.
“Maqui?”
“Yes mabuti naaalala mo pa ko.” At niyakap si Julie. “Ang ganda ganda mo pa rin. Walang pagbabago,”
“Hehe. Ikaw din ang ganda ganda mo pa din.” Masayang sabi ni Maqui. Kumalas sa yakap si Julie at hinarap si Maqui. “San si Moey?”
“Ayy oo nga pala. Kuya Rolly?”
“Yes po Ma’am?”
“Mamaya pa po uuwi si Elmo. May practice po kasi siya sa basketball. Ok lang po bang mag antay muna po kayo?”
“Oo naman po Ma’am. Yun naman po ang trabaho ko. Paano po pala si Miss Julie?”
Ngumiti si Maqui. “Ako na po ang bahala sakanya. Tara Julie!” At hinila sin Julie papasok ng school.
“Maq? San tayo pupunta?”
“Kay Moey mo.”
Halos hindi makapasok si Julie sa court kasi sobrang dami nanaman ng babae sa labas ng gym. Ilang minuto din ang lumipas bago sila makapasok sa gym. Umupo sila sa isang gilid ng sobrang pawis na pawis.
“Sorry Julie ah? Ang dami kasi ng mga fans ng Moey mo kaya ayan napagod ka tuloy.”
“Ok lang, san si Moey?”
“Ayun oh tumatakbo takbo.”
Halos mapunit naman ang labi ni Julie dahil sa sobrang wagas na pag ngiti. Masaya siyang makita si Elmo. Tahimik lang siyang nanunuod ng mapansin siya ni Elmo.
“Julie? JULIE!!” Sigaw ni Elmo habang tumatakbong papalapit kala Maqui. Napatingin naman ang mga babae kay Elmo ng lumapit ito kala Julie.
“Hello Moey!”
“Hello! Oh? Bakit pawis na pawis ka?”
“Ehem ehem!” Sabi ni Maqui.
“Uii Maq! Thanks ah!” Masayang sabi ni Elmo kay Maqui.
“Ok lang. Ako na sasagot kung bakit pawis na pawis KAMI. Dahil kasi dun oh..sa mga BABAE MO !”
Umupo si Elmo sa tabi ni Julie. “Maqui, hindi ko sila babae.” Kumuha siya ng towel sa bag at pinunasan ang pawis ni Julie na tumutulo sa maganda nitong mukha.
“Hayahay siya may towel ako wala?”
“Siyempre meron.” Lumingon sila Maqui at nakita nila si Frank. “Ito oh? Maqui my love so sweet.”
“Yuck! Ayoko niyan.”
Natawa naman si Elmo. “Grabe Maqui! Nag ooffer na yung tao oh! Haha. Ou nga pala Frank, si Julie. Julie si Frank.”
“Hello cutie! Ang ganda mo naman. Girlfriend ka ba ni Elmo?”
Binato ni Elmo si Frank ng bote. “Huyy! Wag ka nga!”