"Nothing like Us" JuliElmo 13
"Wife? My Wife?" Halatang nagulat si Elmo.
Tumango si Julie. "Pwede ba yun Moey? Ako nalang ang wife mo please?"
Natawa si Elmo. "Hindi mo alam kung anong sinasabi mo Julie Anne."
Nag Pout si Julie. "Ayaw mo?"
"Lika nga dito.." Pinasandal si Julie sa balikat niya. "Hindi ka muna pwedeng maging wife ko ngayon pero kung gusto mo..ikaw nalang ang princess ko."
Napatingin si Julie kay Elmo. "Princess? Parang sa Fairytales?"
Tumango si Elmo at ngumiti kay Julie. "Oo, ok lang ba yun sayo?"
Tumayo si Julie at nagtatalon. "Yey!!! Princess ako ni Elmo! Yehey! Yehey!"
"Haha..ok ok. Tara na uuwi na tayo."
Napatigil si Julie. "Ahhh.,hindi pwedeng dito muna tayo?"
"May pasok kasi ako. Promise babalik tayo dito. Tara na Princess."
Kinuha naman agad ni Julie ang kamay ni Elmo. Sumakay na sila sa kotse at ready na para bumalik sa manila. Napansin ni Elmo na tulala lang si Julie. Nakatanaw lang ito sa bintana.
Nagulat si Elmo. "Hala! Oo nga pala!"
"Moey?" Nagtatakang tanong ni Julie kay Elmo.
Tumingin si Elmo sa likod ng kotse. May kinuha ito pero bago niya ilabas nginitian muna niya si Julie.
"Tadaaaaaaaah!"
Napangiti naman si Julie sa hawak hawak ni Elmo.
"Woooooow! Bunny!!!"
Hawak hawak ni Elmo ngayon ang isang bunny. Nakalagay ito sa isang maliit na cage.
"Sayo na siya." Nakangiting sabi ni Elmo. Natutuwa siya sa reaksyon ni Julie. Makikita mo na tuwang tuwa ito.
"Really? Thanks Moey!!" At niyakap niya si Elmo.
"Ok..ok. Haha. Alagaan mo siyang mabuti ah?"
Tumango naman si Julie.
"Ano naman ang ipapangalan mo sakanya?"
Nag-isip sandali si Julie. "Moey plus Julie"
"Moey plus Julie? Ang haba naman ng pangalan niya."
"No no no. Molie" nakangiting niyang sabi.
"Molie. Nice name."
Tumango naman si Julie. "Yes! Yes! From now on, your name is Molie."
Dahil hapon na sila umalis nakarating na sila sa manila ng gabi. Ihahatid na ni Elmo si Julie ng may nakita silang mga pulis sa sa tapat ng bahay nila Julie.
"Moey..bakit may mga policeman sa house namin?"
"Hindi ko alam." Tinitingnan lang ni Elmo ang paligid ng mapansin niya ang yaya ni Julie.
Nakatingin lang din si Julie sa labas habang hawak hawak nito ang kanyang teddy bear.
"Julie, dito ka lang ah? Lalabas muna ko titingnan ko kung anong meron ha?"
Tumango naman si Julie. Lumabas si Elmo at pinuntahan ang yaya ni Julie. Napasin niyang umiiyak ito.
"Yaya?"
"Pogi?" At nagsimula na itong umiyak ng umiyak.
"Yaya? Ano pong nangyari?"
"Si Mam at si Ser.."