Nothing Like Us 2
“Me? Why Me? As in ako po talaga?” turo ni Elmo sa sarili.
“Oo. Ikaw Elmo.” Sagot ni Frans.
“Pero, bakit po ako Dad? Hindi po ba pwedeng si Alden nalang?”
Kumuha ng wine si Frans at ininom ito bago magsalita. “Busy ang kapatid mo. Alam mo namang ikakasal na siya diba? Kung pumayag ka kasi na ikasal kay Lauren edi sana hindi ka nahihirapan ngayon.”
Umupo si Elmo sa sofa. “Dad, hindi ko papakasalan si Lauren dahil una hindi ko po siya mahal at bata pa ko. Pangalawa, mahal siya ni Alden. Hayaan niyo na po silang dalawa. Sakanya na si Lauren. At Dad, hindi po ako pumapayag sa kasunduan niyo ni Ninong, kapag kinasal ako ang gusto ko sa taong mahal ko. Alam ko na darating sa akin ang taong tinadhana ni Lord para sa akin.”
“Hindi ko alam kung kanino ka ba nagmana. Elmo, sinabi mo sakin na hayaan ko si Alden na siya nalang ang magpakasal kay Lauren para mapasaya mo ang kapatid mo. Ang akin lang, hindi ba dapat may kapalit ang pagtanggi mo sa kasal niyo ni Lauren. At ito na yun. Gusto ko ikaw ang mamahala sa kumpanya.”
Napabuntong hininga na lamang si Elmo. “Ok sige po, pero Dad, pinag-uusapan na natin ang pamamahala ko sa kumpanya eh mag 4th year high school pa nga lang ako.”
“Gusto ko lang ipaalala sayo Elmo. Ikaw ang susunod sa yapak ko maliwanag ba yun? Kapag nakapagtapos ka na ng kolehiyo, ikaw agad ang mamamahala.”
“Opo, basta tumupad din kayo sa usapan natin Dad.”
Nagtaka naman si Frans. “Anong usapan?”
Tumayo si Elmo. “Na hahayaan niyo ako na gawin ang lahat ng gusto ko. Na wala po kayong gagawin na hindi ko magugustuhan, at susuportahan niyo po lahat ng magiging desisyon ko.”
“Fine. Usapang lalaki yan Elmo.”
“Sige po, akyat na muna ko.”
Umakyat na si Elmo sa kanyang kwarto. Binuksan niya agad ang aircon at sumunod ang kanyang laptop. Nagbukas siya ng skype para makausap si Alden dahil nasa isang business trip ito sa hongkong.
“Pahirap! Kung hindi lang kita kapatid hindi ako papayag sa mga kagustuhan ni Daddy. Ikaw ang dapat kinukulit ni Daddy tungkol sa kumpanya. Biruin mo? High school palang ako oh tapos naka plano na ang future ko.” Pagmamaktol ni Elmo.
“Bro, makakaya mo din yan. Matalino kang tao at naniniwala ako sa kakayahan mo. Pagbigyan mo na si Daddy.” Sagot ni Alden.
“Ewan! Teka, kamusta naman kayo ni Lauren? Dapat maayos niyo na yung sainyo kundi masasayang yung mga sakripisyo ko.”
“Mapapasagot ko din yun.” Nakangiting sabi ni Alden. “Kamusta naman ang araw ng kapatid ko?”
Nahiga sa kama si Elmo. “Araw ko? Hmm. Ayos lang, may nakilala akong bata kanina. Tinulungan ko kasi nadapa.”
“Wow bro, bata? Haha! Akala ko naman nahanap mo na ang soulmate mo! Hahaha.”
“Soulmate ka dyan! Pero alam mo, maganda siya.” Nakangiting sabi ni Elmo.
“Hoy! Bata yun!kasuhan ka pa ng child abuse dyan kaya umayos ka! Haha!”
“Kung alam mo lang.”
“Alam kong playboy ka kaya umayos ka! Akala mo ba na hindi ko nabalitaan yung mga ginawa mo dun sa mga pinaiyak mo na mga babae?”
“Ayy! Hindi ko sila pinaiyak! Sila tong habol ng habol tapos kapag hindi mo pinansin iiyak? Sus!”
“Suplado! Haha.” Natatawang sabi ni Alden.
Lumapit ulit si Elmo sa laptop niya. “Ewan ko sayo! Matulog ka na nga. Mag eenroll pa ako bukas.”