PROLOGUE

37.7K 636 6
                                    


"Charles kailangan na nating tumakas. Paparating na sila. Kailangan nating iligtas si Xiandria" ang boses na naulinigan ng isang batang babae sa labas ng kaniyang kuwarto. Boses iyon ng kaniyang mama.

"Nandiyan na sila. Humanda ka Amanda! Puntahan mo si Xiandria sa kuwarto niya" Naulinigan niya pang bulong ng kaniyang ama sa kanyang ina. Dahil dito, nakaramdam siya ng takot. Napakapit na lamang ang bata sa kumot na nakabalot sa kanya. Pumasok sa kanyang kuwarto ang kanyang luhaang ina at inakap siya nito na para bang may kukuha sa kanya.

"Mama ano pong nangyayari? Bakit ka po umiiyak?" Tanong ng munting bata sa kanyang ina ngunit wala itong sagot na ibinigay at binuhat na lamang siya nito.

"Mama saan niyo po ako dadalhin? Nasaan po si Papa? Ano pong nangyayari?" Tanong muli ng batang babae sa kanyang ina. Wala na naman siyang sagot na nakuha dito at ipinasok lamang siya sa loob ng malaking cabinet.

"Xiandria anak, kahit anong mangyari huwag na huwag kang lalabas. Wag kang gagawa ng kahit anong ingay maliwanag ba?" Tanong ng babae sa bata. Natatakot na siya. Natatakot siya sa posibleng mangyari sa mga magulang niya. Wala na ring tigil sa pag agos ang kanyang luha dahil sa pangambang nadarama.

"O-opo mama. Pangako po" Sabi ng bata at niyakap naman siya ng ginang. Kailangan niyang maging matapang sa kabila ng takot na kaniyang nararamdaman.

"Basta lagi mong tatandaan ha? Mahal na mahal kita anak. Mahal na mahal ka namin ng tatay mo. Isuot mo ang kuwintas na ito. Ito ang magiging alaala mo sa'min anak. Ang puso ang siyang magbubukas ng nakasaradong pinto ng nakaraan anak. Palagi mo yang tatandaan ha?" At isinuot nga ng ginang sa bata ang kuwintas na iyon. Nakarinig sila ng putok ng baril. At mabibigat na yabag na papalapit sa kinaroroonan nila.

"Andyan na sila Amanda. Maghanda ka" pag alerto ng ginoo kay Amanda. Labis namang kinabahan ang musmos na nagkukubli sa loob ng cabinet. Alam niyang may mali. Lalo na at may hawak na baril ang kanyang mga magulang.

Nagkasya na lamang siya sa pagtatago at panonood sa mga sumunod na pangyayari. May narinig silang maraming yabag at pagbukas ng pinto. Apat na mga armadong lalaki ang pumasok sa loob ng kanyang silid. Pinalibutan nito ang kanyang mga magulang at tinutukan ito ng baril.

"Putang ina nyo Amanda, Charles. Pinahirapan niyo kami. Tatapusin ko na kayo pareho. Alam niyo naman ang kasunduan ng samahan hindi ba? Walang pwedeng umalis. Dahil lahat ng umaalis, namamatay. At ngayon katapusan niyo nang dalawa"

At nakarinig siya ng dalawang putok ng baril. Kitang-kita niya lahat ng nangyari. Binaril nila sa ulo ang kanyang mama at papa. Pinigilan niyang mapasigaw. Dahil nangako siya sa kanyang mama na hindi siya gagawa ng kahit anong ingay. Amg tanging nagawa na niya lamang ay panoorin ang kaniyang mga magulang habang unti-unti silang bumabagsak at naliligo sa sarili nilang dugo.

His Undercover NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon