XXIV

18.6K 350 11
                                    

XXIV: TRUTH

XIANDRIA'S

Everything is too much. Hindi ang papa ni Hunter ang pumatay sa mga magulang ko, it's his brother. And he seems to know a lot about Peril and my parents. I can't believe that Peril is actually a Mafia! How come we didn't knew about that. Now it needs to be terminated.

"Let's go?" Aya sa'kin ni Hunter. Na-discharge na kami sa ospital kahapon and Hunter made time for us to take some rest and think. Nakausap ko na din si Kuya Ethan and like me, hindi din siya makapaniwala sa dami ng rebelasyong nangyari. And also, me being Hunter's wife. Hindi niya nga pala alam na kinasal ako. But he said he'll come with us when we go to our old house.

Nakarinig kami ng busina malapit sa main door ng mansion.

"That's kuya Ethan. Let's go Hun" Pag aya ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa'kin.

"Let's go baby" He grabbed my waist and we walked to the door. Makikisakay lang kami kay Kuya para madali. Tutal alam naman ni Kuya ang dati naming bahay. It was in Baguio. I missed that city.

"Ouch! Aray! Aww" Narinig namin si kuya na parang nasasaktan.

"Ano bang nangyayari sa'yo?" Tanong ko sa kanya.

"Ang daming langgam e. Kinakagat ako. Ang sweet niyo kasi" Banat naman ni Kuya. Hay naku. Wala ka na talagang makukuhang matino dito kay Kuya. Natawa nalang kami ni Hun.

"Maghanap ka na din kasi ng mapapangasawa para hindi ka maiingit" Asar ko sa kanya.

"You know that's not my thing. Ladies come and go in my life. That's their role" Kuya said and he laughed. Nailing nalng kami pareho ni Hun at pumasok na sa backseat ng kotse ng ugok na si Ethan.

"Ouch! Sa gwapo kong 'to, gagawin niyo akong driver?" Litanya niya at umakto pang nasasaktan.

"Ang arte mo Kuya! Mag drive ka na nga lang!" Sigaw ko. Ang arte talaga naman.

We drove off to Baguio and buong biyahe ay tulog kami ni Hunter. Ginising na lang kami ni Kuya nang makarating na kami sa bahay nila Mama.

"We're here" sabi ni Kuya. Tumingin naman ako sa labas ng bintana and I saw our old house. Ang bahay kung saan ako lumaki, kung saan ako namulat sa realidad.

Bumaba na kami at lumakad papasok ng bahay. Kahit lumipas na ang panahon, nanatili pa din itong buo at maayos. Ginawa ko talaga ang lahat para ma-maintain itong bahay. May pamilya akong pinagkakatiwalaan para linisin ito at mapanatili. Though kahit kailan ay hindi pa ako nakakabalik dito.

"It's locked. Paano tayo makakapasok?" Sabi ni Kuya Ethan.

"I have the duplicate keys" I said.

"You do? Paano?" Tanong sa'kin ni Kuya Ethan. Binuksan ko na ang gate ng bahay.

"I hired someone to keep this place clean. My parents were buried at the back of this house. Mang Mario, a former neighbor and our parents' good friend,  knew what happened back here. Pinahanap niya ako noon, and found me when I was 18 at sinabing they buried mom and dad. Pinakiusapan ko sila to maintain this house. Pero since then hindi pa ako nakakabalik dito" I explained. Nangako ako sa sarili ko na hindi ako tatapak dito hangga't hindi ko sila naipaghihiganti. Pero hindi na matutuloy iyon. This house has so many secrets to tell.

"Tara na sa loob" I told them at sumunod naman sila sa'kin. Nang muli kong makita ang garden sa harap ng bahay namin, it felt nostalgic. Dito ako naglalaro, kami ni mom and dad. And the flowers, si mama ang nag aalaga at nagtatanim dati. Napangiti naman ako sa mga alaalang bumailk sa akin.

Dumiretso na kami sa taas, sa kwarto nila mama. Nilibot namin ito upang maghanap ng kahit anong makakapagpaliwanag sa'min ng lahat.

"You were cute when you're little" I heard Hunter told me and he chuckled. Lumingon ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa family picture namin.

His Undercover NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon