IX

20.9K 399 11
                                    

CHAPTER IX: FAMILIARITY

HUNTER'S

I couldn't understand what I felt when I saw Aria's bleeding back. I felt, fear. Ewan ko kung bakit pero panic has eaten me.

"Aria just hold on. Malapit na tayo." Natataranta kong sabi sa kanya.

"Chill Hunter. Hindi pa ako mamamatay!" Natatawa niya pang sagot sa'kin.

"You're bleeding at halos maubusan ka na ng dugo tapos sasabihin mo sa'kin na mag Chill ako?! Baliw ka na ba?!" Hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya. Inirapan niya lang ako at pumikit na. Aba talagang.

"Hoy wag ka matulog. Baka hindi ka na magising!" sigaw ko sa kanya.

"Pwede ba kumalama ka? Di pa ako mamamatay okay?!" sigaw niya sa'kin pabalik at inirapan ako.

After a couple of minutes, nakarating din kami sa mansion. Haley was waiting for us by the door.

Aria's still sleeping at the passenger so I carried her out.

"Oh my God! What happened?!" she worriedly asked us.

"It's a long story. Just help me up please" I told her. She helped me in putting Aria inside. Naalimpungatan naman si Aria.

"Where am I-Hunter?" tanong niya sa'kin pagmulat niya ng mata. Nagpumiglas naman siya sa pagkakabuhat ko sa kanya.

"Relax, nasa bahay na tayo" I told her saka siya inakyat sa kwarto niya. Inilapag ko siya padapa. Nakasunod naman si Haley sa likod namin.

Kumilos naman agad si Haley. Pinunit niya ang blouse ni Aria and she rummaged her things.

"Hunter. We have a problem" Kinakabahang sabi sa'kin ni Haley.

"What is it? Tell me!" Nataranta ako sa sinabi niya. Fuck!

"I forgot to bring the anesthesia" Kagat labi niyang sabi sa'kin.

XIANDRIA'S

"I forgot to bring the anesthesia" narinig kong sabi ni Haley. Sa dami ng kakalimutan anesthesia pa.

"It's okay. I can handle it" sabi ko sa kanila. Bala lang yan.

"Fuck. Are you sure?? I can buy or get it from your clinic Haley" Tanong niya sa'kin sabay baling kay Haley. Great. Napairap naman ako.

"You can't Hunter. Mauubusan siya ng dugo. Kelangan nang matanggal yung bala. Ngayon na" sabi naman ni Haley. Tsk, ang dami niyong satsat. Sa sobrang tagal nila magchikahan ay dinukot ko na ang bala sa likod ko with my bare hands. Sa may shoulder lang naman yun kaya abot ko and besides, pang ilang bala na 'to na bumaon sa katawan ko.

"What the fuck are you doing?" Gulantang na tanong sa'kin ni Hunter.

"Ang dami niyo kasing satsat eh. Oh ayan na!" Singhal ko sabay hagis ng balang nakuha ko sa center table. Punong puno na rin ng dugo ang kamay ko.

"What the fuck?!" Shocked pa rin na sabi ni Hunter.

"Let's get you stitched" Unlike Hunter, mabilis nakabawi ng gulat si Haley. Pinadapa niya ako sa sofa at agad na tinahi ang sugat ko ng walang anesthesia.

Natapos din si Haley pero di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Tapik sa pisngi ang gumising sa'kin at nakita ko ang mukha ni Hunter pagmulat ko.

"I made you breakfast. Good morning" nakangiting bati niya sa'kin. Naramdaman ko naman ang pagtahip ng dibdib ko.

"Hey, natulala ka na naman sa kagwapuhan ko?" natatawang sabi niya sa'kin. Those smiles. Damn ano bang iniisip ko?

"Ang hangin mo talaga" natatawang sabi ko sa kanya. Napatigil naman ako dahil nakatitig siya sa'kin. "Oh bakit?" Tanong ko sa kanya.

"You really look prettier when you smile" sabi niya sa'kin. Naramdaman ko naman ang pag akyat ng dugo sa mukha ko dahil sa sinabi niya.

"Alam mo gutom ka lang" sabi ko sabay subo sa kanya ng pagkain ko.

"Kain na lang tayo" Ilang kong sabi sa kanya. Ghad this is so awkward.

Luckily, we finished our breakfast in peace. Hindi muna siya pumasok dahil hanggang ngayon hindi pa siya safe. Naglagi lang siyasa office niya sa bahay at tumambay lang kami sa garden ng mga bata at naglalaro lang sila ngayon.

"Magaan talaga ang loob mo sa kanila ano?" tanong sa'kin ni Lara at tumabi siya sa'kin. "As far as I can remember, you don't like kids that much" Dagdag pa nito.

"Well, I can always make an exception" sagot ko naman sa kanya.

"How about the father?" Tanong naman niya sa'kin.

"Oh anong meron sa kanya?" natatawang tanong ko sa kanya.

"Mahal mo na?" Derechong tanong niya sa'kin.

"Mahal agad? Wala pa ngang isang buwan ko siyang kilala eh" sabi ko sa kanya.

"Bakit? Love happens anytime. Minsan nga unang kita mo pa lang mahal mo na eh" sabi niya sa'kin.

"No, hindi ko siya mahal. All I can feel is, familiarity. Para bang kilalang kilala ko siya at matagal na kaming magkakilala" sabi ko sa kanya.

"Ano yun? Dati mo siyang jowa tapos nagka amnesia ka? Adik mo girl" Pang asar niya sa'kin.

"Ewan. Siguro nababaliw lang talaga ako" sabi ko sa kanya sabay tawa.

"Matagal ka nang baliw gaga" sabi niya sa'kin at nagtawanan kami. Umalis na siya at pumasok sa main house. Ipaghahanda niya daw ng meryenda ang mga bata.

Napa-isip naman ako sa sinabi niya. Mahal ko na nga ba talaga? Yung mabilis na tibok ng puso ko kapag nandiyan siya. Anong ibig sabihin nun?

- -
A/N: Oo alam kong lame. Sorry naaaa. Babawi na lang ako. Sana hindi kayo tamarin na basahin to. Haha. Hit vote na rin po sa bawat chapter. Anw, shoutout po kay annquirido. Salamat sa votes mo. Sana di ka magsawang magbasa nito :)

His Undercover NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon