VI

22K 409 2
                                    

CHAPTER VI: THREATS

HUNTER'S

It's been a week magmula ang insidente sa swimming pool at mag iisang linggo na rin akong nakakatanggap ng death threats. At first inakala kong mga tropa ko ang nananakot sa'kin but no. I asked them and they said wala silang kinalaman sa mga natatanggap ko.

"Sir, may package po para sa inyo" Sekratarya ko ang nagpagising sa malalim kong iniisip.

"Kanino daw galing?" Tanong ko kay Nico, my secretary. I am strarting to get anxious dahil baka threat na naman yan.

"Wala pong nakalagay Sir. Where should I put this?" He asked me.

"Akina dito" Agad naman siyang lumapit sa akin at inabot ang box. "You can go now" I told him.  Tumango lang siya at naglakad palabas.

I opened the box and I was terrified on what I saw. It was two dolls. A girl and a boy and it looked horrible. With bloodstains and labels "Hero" and "Aria" and there's a note with it.

"Be ready Rios. I will get your kids and kill them for us to get even"

Tinawagan ko agad si Aria to check on my twins.

"Hello Sir?"

"Ang mga bata nasan?" I hurriedly asked her.

"Nandito na po Sir. Kakarating lang po namin galing school. Bakit po?"

"Okay Good. Wag mo hahayaang mawala sila sa paningin mo okay?" That moment I felt relieved. Thank goodness. Maybe whoever that is, he is just scaring me. I shouldn't be bothered with that.

Tinapos ko kaagad ang trabaho ko and went home to check on my kids. Nawala na sa'kin ang asawa ko dahil sa mga maling nagawa ko noon. Hindi ko hahayaang mawala pa sa'kin pati ang mga anak ko.

XIANDRIA'S

Isang linggo na matapos ang nangyari kay Adi. Isang linggo na rin na palaging hindi mapakali at parang laging wala sa sarili si Hunter. Noong isang beses ay grabe ang gulat niya noong nakita niya akong bigla sa kusina. Hindi naman daw siya magugulatin ayon kay Manang Lorna. Tapos kanina naman, biglang tunawag at tinanong kung nasaan ang mga anak niya. May mali kay Hunter ngayon at yun ang kailangan kong alamin. Nakarinig naman ako ng mga yabag sa salas. Agad kong inalerto ang aking sarili dahil hindi pamilyar ang mga yabag na naririnig ko. Ako na lamang ang gising sa amin. Nagtago ako sa gilid ng hagdan at inabangan kung sino man yun.

"Ouch ouch! Fuck. Aray!" Sigaw ng kaboses ni Hunter habang pinipilipit ko ang kamay niya. Teka, kaboses ni Hunter? Shit!

"Sir Hunter?" Tanong ko dito. Madilim na kasi sa pasilyo kung nasan kami.

"Oo Aria ako 'to. Pwede bitawan mo na ako? Aray!" Daing niya muli. Agad ko namang binitawan ang braso niya at pinulot ang mga gamit niyang nalaglag dahil sa pag atake ko.

"Ouch ang sakit nun" Reklamo niya.

"Sorry Sir. Naalerto lang po kasi ako. Iba po kasi yung yabag ng paa niyo ngayon kaya akala ko hindi kayo yung dumating" Hinging paumanhin ko habang pinupulot ang mga papeles na nahulog.

"Anong iba ang yabag? Ano bang sinasabi mo jan? At san ka natuto nung atake mo na yun? Ang sakit ah!" Sunud sunod niyang tanong sa'kin. Patay ano isasagot ko?

"Ah, eh wag niyo na lang pong intindihin yung sinabi ko" Sabi ko sa kanya. Mabuti nang hindi ako magsalita. Baka kung ano pang masabi ko.

"Sige. At dahil sa ginawa mo, ikaw ngayon ang mag ayos ng proposal papers na kumalat dahil sa'yo. By the way, Nasaan ang mga bata?"

"Kanina pa po tulog Sir Hu-"

"Good. In my office. Now" Putulin daw ba? May sinasabi pa. ako eh. Sumunod naman dako agad sa kaniya. Tsk, bossy.

Nagaayos ako ng papers habang siya naman ay kinakalikot ang laptop niya. Umagaw naman sa pansin ko ang isang itim na folder na kasama ng papel na inaayos ko.

Binuksan ko ito at nagulat ako sa nakita ko sa loob nito. Death threats para kay Hunter! At hindi lang siya kundi para sa mga bata.  Ito siguro ang dahilan kung bakit ilang araw na siyang hindi mapakali.

"Kelan mo sa'min balak sabihin ang tungkol sa mga ito" Tanong ko sa kanya at napaangat ito ng tingin. Napatitig siya sa hawak kong mga papel.

"Wag mong pansinin yan. Hindi yan totoo at hindi yan mangyayari" Kampante niyang sagot sa'kin na nagpainit sa ulo ko. Binalik niya ang tingin sa laptop niya.

"Wag pansinin? Hindi mangyayari? Sir may nagtatangka sa buhay niyo! Hindi lang sa iyo pero pati sa mga bata. Tapos yan lang ang isasagot mo?! Anong klase kang ama?!" Hindi ko na napigilan ang galit ko kaya nasabi ko ang mga yun. Napatayo naman siya sa kinauupuan niya at tumingin sa'kin. Ang dilim ng mga mata niya. Senyales na hindi niya nahustuhan ang sinabi ko.

"I am working on those things. At huwag na huwag mong kekwestiyonin ang pagiging ama ko. Yaya ka lang dito pero kung makaasta ka akala mo kung sino ka! Kung makapapel ka parang asawa kita at ina ka ng mga anak ko!" Ganting sigaw niya sa'kin at nagpanting ang pandinig ko sa mga huli niyang sinabi.

"Yaya lang? Yaya lang?! Hunter kapakanan ng mga anak mo ang pinag uusapan dito! Ngayon kung wala kang pakialam pwes ako meron! May pakialam ako sa'yo at sa mga anak mo!" Huling sabi ko sa kanya at lumabas na sa opisina niya.

Yaya. Yun lang pala ang tingin niya sa'kin. Samantalang ako kapamilya na ang turing ko sa kanya. Nakakainis.

Tinawagan ko nalang si Kuya Ethan para magpadala siya ng makakasama ko dito.

"Magpadala ka ng makakasama ko dito asap" sabi ko kaagad pagkasagot niya pa lang ng telepono.

"Hello din kapatid. Ano sabi mo?" Tanong ni kuya sa'kin. Tss, kahit kelan talaga.

"Sabi ko magpadala ka ng makakasama ko asap" ulit ko sa kanya.

"At bakit ko gagawin yun?" Tanong niya sa'kin.

"May nagtatangka sa buhay ni Hunter at mga anak niya. Hindi ko sila mababantayan ng sabay. Kailangan ko ng katulong" Diretso kong sagot sa kanya.

"Hep hep! Nakakalimot ka yata? Nandiyan ka to gather information hindi ang protektahan sila" Katuwiran niya. Argh. Di talaga nag iisip.

"Hindi mo ba naisip na kapag may nangyaring masama sa kanila ay dead end na para sa'tin? Magpadala ka nalang ng makakasama ko kuya!" Naiinis ko nang sabi sa kanya. Nako talaga!

"Oo na. Magpapadala na. Dadating na siya bukas" Binaba ko na kaagad ang tawag. Hahaba na naman ang usapan namin. Simula bukas kailangan kong mabantayan si Hunter. Pero paano?

--
Redd: Paano nga ba Aria?

His Undercover NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon