Pangdalawampu't-siyam

167 8 1
                                    

[Pang dalawampu't-siyam]



"Siya na ba 'yun? Mygahd, may sakit sa puso ang Queen of Malas."



"Ohmyghad, she's so nakakaawa pala.."



"I feel guilty tuloy na binully ko siya once."



"Pre, maganda rin pala si Queen of Malas!"


"Nakikita ko nga yung hubog ng katawan, sexy din. Bakit ba hindi natin siya liniligawan noon?"


Napahigpit ang hawak ko sa strap ng bagpack ko, I hate this. Ayoko ng ganito. Ayoko. Ayoko! Ayoko ng masyadong napapansin, ayokong pinag-uusapan. Ayokong kinakaawaan.



Kinagat ko ang ibaba ng aking labi at naging mabigat ang hakbang ko. Parang pakiramdam ko kakainin ako ng lupa. Ohmaygosh.


"Will you fucking stop murmuring stupid shits?!"


Halos atakihin ako nang may sumigaw mula sa likod, jusmiyo! Lord! Nakita ko doon si James na nagdidilim ang mga mata at nakakuyom ang mga kamao niya. Napakunot ang noo ko, mukha siyang batang nagta-tantrums! 'Di ko mapigilang hindi matawa!


"James, halika rito! Para kang nagtatantrums diyan!" Tawag ko sa kanya habang tumatawa pa, nawala na rin ang mga bulungan. Nagsi-alisan na rin sila.


"Bilisan mo, oy!" Hila ko sa mga kamay niya papunta sa English class naming dalawa.



Nagbibiruan pa kami ni James habang papasok ng room, busy ang lahat ng tao sa mga gawain nila.



Nagsimula at natapos naman ang klase naming four hours ng matiwasay. Medyo gutom lang pero oks na yan. LUNCH TIMEEEE!



Walang sabi-sabi ay nagtatakbo na ako palabas, narinig ko pa ngang sumigaw si James ng, "Bawal ka magpagod!"


"Kaya ko 'to! Babye!" sigaw ko pabalik.


Nang makarating ako sa cafeteria, maraming tao. Wow naman, parang kailan lang kasama ko si Ice dito..WAIT! ERASE! Hindi ko dapat maalala si Ice! Forget! Delete!


Nilantakan ko na lang ang pagkaing inorder ko para mawala sa isip ko si Ice- ugh!


"C-Caitleen... Pwedeng maki-upo?"

That voice is really familliar. Tumingala ako para tingnan siya, at hindi nga ako nagkakamali.

"No." I said flatly. Ayoko siyang harapin, ayoko muna siyang kausapin, ayoko kasi ayaw ko. I hate her. I hate Anna for being the girl whom Ice loved so much that he needed to use me because of some unreciprocated feelings.


"B-But, Cait? Best-" Agad akong tumayo at iniwan siya doon. Heartless? Nah. It's being strong.


Hindi ko talaga siya kayang kausapin o harapin manlang. Ewan ko ba. Isa lang siguro ang pupuntahan ko muna.


Ang lumang garden ng university. Walang pumupunta dun kasi haunted daw. Edi wow.


I stayed there for a while, ilang oras ba. Matagal din akong nagstay doon at nagmuni-muni. Peaceful kasi dito. Nakakagaan ng loob.


Pumikit ako at naramdaman kong may tumutulo sa mukha ko.



"Bakit basa-- sheteng!" Sigaw ko, habang palakas ng palakas ang ulan. Malayo pa ang may bubong dito. Isa pang shit?! Nakalimutan kong uminom ng gamot!


Nagtatakbo na ako sa campus habang basang-basa sa ulan hanggang sa may mabangga ako.



"Sorry, miss." No way. No no no way! Ohmygod. Please take me away earth!


"Caitleen?" Shit.

"I, I h-have to g-go." I'm stammering damnit!

"Kanina ka pa hinahanap ni James!" Hinawakan ni Ice ang kamay ko at may tinawagan siya sa telepono.



He's holding my hand. The pain is there. Ayoko na. Gusto ko ng umalis. Ayoko na dito. Bitawan mo na ako Ice, masyado ng nasasaktan ang puso ko. Baka hindi ko kayanin at... at.. Please.


Ibinaba niya ang telepono at saka tiningnan ako, binalot niya ako sa leather jacket niya at tiningnan ako sa mata with assurance. Damnit! He's making me fall and break once again.



Ilang sandali pa ay dumating na si James, nakakunot ang noo niya saka ako linapitan.

"Salamat, Ice. Makakaalis ka na." Nakita ko ang pag-igting ng bagang ni James.


Umalis si Ice at bumaling naman sa'kin ang atensyon ni James.


"Tanga." Pinitik niya ang noo ko! "Alas-singko na. Di ka na nakainom ng gamot mo na pang alas-tres! Nagpaulan ka pa! Tanga tanga mo!" Nafu-frustrate niyang sabi.



Sorry naman! Gusto ko sanang ibulyaw sa kanya kaso ang lamig na ng hangin. Dinala ako ni James sa gym locker ng girls/ shower room ng girls. Dire-diretso niya lang akong pinasok sa shower at pinagsabihang mag-shower. Bibili lang daw siya ng damit.



Habang nagsh-shower, napaisip ako. Why is James so caring? Bakit sobra sobra ang effort niya? Hindi ko maintindihan kasi.


Nakabalik si James na may nabiling damit, Forever21 pa ang tatak oha.


Nang matapos akong magbihis, lumabas ako ng gym lockers at tiningnan si James sa mga mata.

"Why do you care too much about me?"

~~~~*****~~~~~

Note; excited na akong matapos 'to! So I can post my other stories in the drafts ohmaigahd. Haha. To you the one reading this, I appreciate you! You're the best, I love you ƪ(•̃͡ε•̃͡)∫

Life of a CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon