Pangdalawampu

562 14 3
                                    

[Pangdalawampu]

James' POV

Itinayo ako ni Anna, "Damuho, tumayo ka na. Kailangan kagandahan ko makita ni Caitleen!"


Tumayo ako at binuksan ang pinto, nagtatawanan sina Travis at Ice.


"Pakyeol! Hoy bruha! Pumikit ka ulit, dapat maganda kong mukha ang unang nasilayan mo!" sigaw ni Anna at nilapitan si Caitleen.


"Maganda ka? Weh? Mas maganda ako 'no! Bleh!"


"James! Anong ginagawa mo diyan sa pinto?" tanong sakin ni Caitleen, "Halika rito!"


Linapitan ko si Caitleen.


"Dude, ihatid ko na si Anna. Nag-text na si mama." ngumisi si Travis.

"Mama?! Kailan ka pa ipinanganak ni mama, aber?!" tawa-tawang sabi ni Anna.

"Kahapon! Joke, para daw masanay ako pag kasal na tayo." kinindatan ni Travis si Anna.


"Ayieeeeeeee! Kinikilig na ang bruhang 'yan! Osiya! Layas kayo!" sigaw ni Caitleen.


"Oo na, Cait. Tara na babe!" inabayan ni Travis si Anna kaya't napatingin ako kay Ice.


"Caitleen, uuwi na ako. Isang araw na akong nawawala sa bahay. Bye-bye!" hinalikan ni Ice sa noo si Caitleen at nagmamadaling umalis.


"James, sama ka? Hatid mo kami sa labas!" sigaw ni Anna na sinang-ayunan ni Caitleen kaya wala akong magawa. Tsk.


Habang naglalakad kami sa hallway, may babaeng petite akong nakabangga. Aba'y maganda! Pero mas maganda si Caitleen, di lang halata!


Ihinarap ko yung babae, "Okay ka la--" naputol ako sa sinasabi ko. "Leah?"


"James? Excuse me! Yung anak ko! Yung anak ko!" pagpupumiglas niya kaya't napansin ko sa bistida niya ang iilang dugo.


"Anong anak?" malamig na saad ni Travis.



"T-travis..."


Pero bago pa makapag-salita si Travis ulit, tumakbo si Leah ng mabilis. Hinabol rin siya ni Travis kaya't kaming dalawa na lang ni Anna ang natira. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang hitsura ni Anna.



Tiningnan niya ako, "James sino 'yung babaeng 'yon?" tanong niya.


"K-kaibigan lang." sabi ko. Para kasing nasaktan na si Anna, hindi ako sadista para sabihing ex ni Travis 'yon.

---


"Hinihintay ka na ng mama mo! Pasok na. Babalikan ko pa si Caitleen!" pagtataboy ko kay Anna sa harap ng bahay niya.


Ako nalang naghatid sa kanya dahil alam kong magka-catch up pa sina Travis at Leah. Mahal na mahal ni Travis si Leah. Kaso isang araw bigla na lang nawala ng parang bula si Leah. Walang nakakaalam kung nasan siya.


Travis was so devastated that time. Inom siya ng inom, to think that we're still minors that time. Lahat ginawa ni Travis para kalimutan si Leah. He even tried drugs. Pero hindi niya makalimutan.


"Sige, James. Salamat."


Nang makabalik ako sa ospital nakita kong natutulog si Caitleen. Pagkalapit ko sa kanya, napangiti ako. Ang cute niya talaga.


"O-oh. James." nagising si Caitleen.



"Pikit ulit sleeping beauty, 'di pa kita nahahalikan oh."


"Sira ka talaga, James."

--

LUMIPAS ang tatlong araw at malapit na ma-discharge si Caitleen. Medyo stable na daw siya. Wag lang pagurin.


"James, pinadala ko kay Auntieta 'yung gitara kahapon. Kantahan mo naman ako oh." pagsusumamo niya.

Ngumiti ako.

(a/n: play the video on the right. Kunyari si James nakanta XD)

" When your legs don't work like they used to before"

Caitleen squealed. "Ed sheeran~~"


"And I can't sweep you off of your feet
Will your mouth still remember the taste of my love~"


Nakita ko ang pagngiti ni Caitleen. 'Di ko maiwasang mapangiti dahil nag-eenjoy siya sa ginagawa ko.

"Will your eyes still smile from your cheeks~
And darling I, will be loving you till we're seventy!
And baby my heart could still fall as hard at twenty-three~
And I'm thinking 'bout how,
People fall inlove in mysterious way.
Maybe just a touch of a hand~
Well me, I fall inlove with you every single day
I just wanna tell you I am~"

Napansin kong pumikit si Caitleen parang dinarama niya yung kanta.

"So honey now~
Take me into your loving arms,
Kiss me under the light of the thousand stars,
Place your head on my beating heart!
And I'm thinking out loud~
That maybe we found love right where we are~

When my hair's all gone and my memory fa--"


Naputol ako sa pagkanta ng may pumasok sa pinto. Batang naiyak.


"Uwaaaaaaaa! Where's mommyyyy? Waaaah!" pagwawala ng bata. Agad akong tumayo at linapitan ang bata, napatingin rin si Caitleen.



"Shh, bata tahan na. Gusto mo apple? Fruits? Hanap natin si mommy mamaya." sabi ko. Habang karga karga ko yung bata, tumigil ito sa pag-iyak.


"Apple?" tanong niya.

Tumango ako at lumapit sa prutas sa side table ni Caitleen.

"Davis!" sigaw ni Caitleen.


"Kilala mo 'tong batang 'to?" tanong ko. Kumuha ako ng apple at nagbalat.


"Yup! Ang cute niya 'no? Kamukha niya si Travis. Pero si Travis hindi cute. Haha!" halakhak ni Caitleen habang nilalaro yung bata.


"Ano ba pangalan ng mommy neto, since kilala mo naman." inabot ko kay Davis ang slice ng apple.


Para alam namin kung kanino ibabalik 'yung bata.


"Leah daw e. Feeling ko kakilala mo rin 'yun. Kasi nung nagkita kami, kasama ko si Ice ta's gulat na gulat si Ice no'n. Ex ba 'yun ni Ice?"


Para akong nabingi sa sinabi niya. Si Leah, ito yung anak niya?

--%%--

THANKS FOR READING
VOTE AND COMMENT
UNITATO: Elo, elo. Here's the update. Hihi, sana na-enjoy niyo. ^____^ ~chuu

Life of a CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon