Epilogue

420 13 6
                                    

Thank you for reading and supporting this until the end. Hugs and kisses! God bless!

-

Epilogue


Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ngayon. Ibang-iba ang sayang nararamdaman ko. Ibang klase ang araw na ito.


Maaga akong nagising para sa araw na ito, tinitingnan ko ang sariling repleksyon. Suot-suot ko ang isang damit na never kong naisip na maisusuot ko.


"Caitleen, you ready? Tara!" Pag-aya ni Leah sa akin, tumango ako at lumabas na ng kwarto.

"Oh my god! I feel so fab!" Tili ko at niyakap ang gown kong suot suot.

Nang makarating kami sa simbahan ay nauna na sa akin maglakad sina Leah. Dinamdam ko ang gown kong suot at dinig na dinig ko mula sa labas ang tugtog na napag-usapan.


Habang naglalakad ay iniisip ko ang mga naging pangyayari. Hindi ko naisip na dadating ang araw na 'to. Ang araw ng kasal.


Tiningnan ko ang groom na nasa may altar. Nang makalapit ako sa kanya ay agad akong ngumiti.

Itinaas ko ang kamay ko na parang nag-aaya ng high five.

"Congrats, bro." Biro ko sa kanya.

"Nako, Caitleen maupo ka na dun sa bench. Nandyan na daw ang bride ko. I am dying to make your bestfriend a Lacson." Sabi ni Ice na mukhang proud na proud sa sarili.

Nagtawanan naman sina Travis at James na nasa gilid ni Ice.

Stay strong ang pagkakaibigan ng tatlong ugok na 'to. Sumenyas ang ilang staff sa kasalang ito na nasa tapat na ng pinto ang bride.

Nag-iba ang tugtog ng orchestra, mas romantiko. Nakita ko ang itsura ni Ice na naiiyak pero kitang-kita ko ang saya mula sa mga mata niya.

Nagbukas ang pinto ng simbahan at lahat ng tao ay nakatingin kay Anna na dahan-dahang naglalakad sa aisle.

Nakangiti siya at nakatutok lang ang mga mata niya sa lalaking nasa harap, si Ice. Lahat ng tao ay gandang ganda sa kanya.

Nang makarating sa altar ay ipinasa ng mga magulang ni Anna si Anna kay Ice. Agad naman silang nagyakapan. Tumikhim ang pari.

"Family and Friends, we are here to witness the joyous union of Mr. Ice Lacson and Ms. Anna Reyes..."

Bigla akong napahawak sa aking sentido at nagsimulang makaramdam ng hilo. Hinilot ko ang aking sentido at napasandal ako at napahawak sa kamay ni Leah na katabi ko.

"Okay ka lang?" Tanong ni Leah sa akin.

"Yep, hindi pa naman vows 'yan cr lang ako ha." Paalam ko, nag-prisinta pa siyang sasamahan ako na agad naman aking humindi.

Pagkarating sa ladies room ay agad akong naghilamos. Kaya ko namang mag-retouch ulit. Tsaka waterproof naman ang makeup ko.

Bumalik ako sa simbahan at saktong nagsasabihan na sila ng wedding vows.

Nang matapos ang kasal ay nagkaroon ng picture taking, bahagya akong nairita dahil ang daming flash ng cameras.

Ngumiti na lang ako at niyakap si Anna. Cinongratulate ko pa siya at humalakhak.

"Dapat ikaw na sunod ha." Biro niya at pabiro ko siyang hinampas sa braso.

Dumiretso kami sa reception area, hindi pa namin kasabay ang groom at bride. May picture taking pa kasi sila.

Life of a CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon