Pangalawa

1.5K 30 5
                                    

[Pangalawa]

"Auntieta, omeged! First day na! Huahua, naeexcite akesh." Sabi ko kay Auntieta habang hinahampas ang braso niya.

Dumaan na ang two weeks mga pipleeets! Makikita ko na si Ice, omeged. Yung gwapong lalaking 'yun, masisilayan ko na ulit! Mwehehehehe.

"Hahahaha. Osige hija, mag-ayos ka na at ihahatid ko kayo nila Ashley."

"Yes Auntieta!" Sabi ko at nag-aye-aye sa kanya.

Nakasalubong ko sa hagdan si Ashley na naka-uniporme na. Inirapan niya ako at naglakad palayo. Ang arte nito, bunutin ko lahat ng buhok niya sa ilong eh! Huahua. Nag-diretso na ako sa pinto ng C.R at naligo na.

---

"Bye-bye Auntieta! Salamat sa paghatid! Muah!" Pagsisigaw ko habang kumakaway.

Napa-face palm si Ashley at umalis na. Bastos na bata, 'di manlang nagpaalam. Napairap na lang ako sa ugali ni Ashley. Habang naglalakad ako, nagbibigay ng way yung mga estudyante. Omeged! Nagagandahan na ba sila sakin? Napansin na ba nila ang pagiging dyosa kong taglay? Woah! Ang ganda ko talaga!

"Hi Fansㅡ" Naputol ako nang sumugod ang mga tao, omg! Eto na, hihingiin na nila Autograph ko! Ihinanda ko na ang ballpen ko at ngumiti ako ng pagkalapad-lapad.

"Pila lang po--" Naputol ako dahil,nilagpasan nila ako? (゚ロ゚) ! Akala ko ba ako yung idol nila?

"Nakita mo ba yung babae kanina?"

"Oo, nakaharang nga!"

"Ba't ba siya nakaharang dun?"

"Ngiting ngiti pa! Akala siguro niya siya yung hinihintay natin?"

"Feeling siya amp!"

Ta's tinamaan aker. Omeges, nakakahiya mga people! Bakeeet? Huhu. Tinry kong maglakad ng parang walang nangyari. Kaya mo 'yan Caitleen! Hinga, makakaalis ka rin.

Nakasalubong ko si Anna na nakikipag-sigawan. Anong meron? May gyera ba? Kinalabit ko si anna at tiningnan niya lang ako at nagtitili. Nasa may field kasi kami at may nagba-basketball. Ang omg!! Ang Knights! Si Ice bebe ko! Waaaaaah~

Life of a CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon