Una

2.9K 53 9
                                    

Annyeonghaseyo! Eto na po 'yun. Sana magustuhan niyo ang Kamalasang dala ng ating bida. xoxo, PinkishRebel

--xx

1

Caitleen's Point Of View :

"Hey! Linisin mo nga 'tong kalat! Gahd naman, ang baboy mo!" Narinig ko na namang pagsisigaw ni Ashley, bruha 'tong babaeng 'to! Ang init ng dugo sa akin!

"Baboy agad? Mas payat kaya ako sayo. Compare mo naman kwarto ko sa kwarto mo, mas malinis yung akin. Bleh!" Sabi ko.

Nakita ko namang umirap si Ashley, tapyasan kita Ashley eh. Totoo kasi sinasabi ko, ang gulo ng kwarto niya! Swear, kasinga pinaglinis niya ako ng kwarto niya ta's pumasok ako sa C.R ng banyo niya may napkin sa likod nung timba. Bweset 'to, kadira kaya!

"Aish! Linisin mo na nga lang 'yan, tch." Sabi ni Ashley at umalis na.

Nagsimula na akong maglinis dito sa Sala namin-- nila? Ewan! Gusto niyo makilala ako diba? Syempre! Ang ganda ganda ko kaya! Huehue. I'm Caitleen Montenegro. Anak ako ng magulang ko, duh? Ayun nga, i'm seventeen years old which is napaka-bata para sa year ko. Third year na kasi ako in college. Currently taking Multimedia Arts. Nakatira ako dito sa bahay nila Auntieta. Sino si Auntieta? Si Auntieta ang umampon sa akin matapos mamatay ng mga parentals ko. Huhu. Ang bait bait ni Auntieta, kaya nga 'di ko alam kung saan galing si Ashley eh? Huahua.

Sino ba si Ashley? Pinsan ko 'yun, maganda nga masama naman ugali. Kainis siya. Napaka-init ng ulo nu'n sa akin.

Nang matapos ko ang mga gawain ay hapon na. Pagkatapos sa Sala ay naghugas ako ng plato, nilabhan ang uniform ko para sa First day Next next week. Medyo excited ba? Wahahaha. Wala eh, makikita ko kasi yung crush ko. Mehehehe. Si Ice na sobraaaaang gwapo. Nakilala ko siya nung First Year College ako, nung timawang-timawa pa ako sa University tinulungan niya ako mag-familiarize sa Facilities. Ahead siya sa akin nun ng isang year pero nag-palit siya ng course eh. Kaya ka-year ko na siya. Mwehehehe. Ta's magkalapit lang building namin. Hay.

"Caitleen anak, telepono! Si Anna daw." Agad kong sinugod si Auntieta pero bago iyon nadapa ako at nagka-gasgas sa noo. K. Kamalasan.

"Bruha, napatawag ka?" Sambit ko.

Bruha talaga tawagan namin ng bestfriend kong si Anna. Siraulo kasi 'to eh.

"Gaga! Magpapasama ako, sa mall. Mamimili ng gamit. Two PM pa lang naman keri pa mag shop ng School Supplies! Samahan mo akoo~ Subukan mong humindi bibigwasan kita!" Brutal si Anna. Opo.

Napa-iling ako at naligo muna. Ang lagkit lagkit ko huhu.

---

"Auntieta! Sasamahan ko lang po si Anna mamili ng gamit niya!" Sigaw ko at pinigilan ako ni Auntieta.

"Sandali! Oh 'nak, dalhin mo 'tong vitamins mo ah? Osige, mamingwit na rin kayo ng boylet 'ha? Wahaha." Sagot ni Auntieta.

Feeling bagets, aber! Tumango na lang ako at lumarga na. Habang nag-aantay ng jeep eh nainip ako, kaya nag-earphones ako. Nakinig ako sa 5SOS. Mehehe, ang gwapo kasi ni Hemmings!

"    Forget what you thought,

'Cause good girls are bad girls that are

Haven't been caught~ "

Pagkanta ko kaso napatalon ako nung may motor na biglang humarurot sa mismong harapan ko! Muntik ng maipit ang paa ko! Thet 'yan! Ta's yung motor na 'yun may kasunod na isa pang motor, and unfortunately nakatapat ako ngayon sa putik! Futspaa! Natalsikan ako, huhu! Ang baboy na ng damit ko (┳Д┳) Kinuha ko yung jacket sa bag ko at ibinalot sa akin kahit mala-impyerno ang init!

---

Nakarating na rin ako sa wakas sa building nila Anna! Pesteeee!

"Ay! Ay! Ba't may aso?! Huhu, layuan mo ako aso! Hindi ako butoo! Layoo~!" Pagsisigaw ko habang tumatakbo.

Takot ako sa aso! Leche yang asong 'yan! Nang matapatan ko yung Apartment ni Anna ay agad akong nagkakatok.

"Bruhaaaaaaaaaaaaaa! Parang awa mo na, papasukin mo na ako! Mamamatay ako dito! Huhu, bilissss." Mangiyak-ngiyak na ako habang nagwawala sa pinto ni Anna. Nung magbukas ang pinto ay dire-diretso na akong pumasok.

Bakit iba na ang pintura at design ng kwarto, at amoy lalaki na? Omeged! May lalaki si Anna?

"Putangina lang?!" Napalingon ako sa nagsalita.

"Teka! Hoy lalaki, nasaan si Anna?! Ba't ka nandito sa apartment ni Anna?! At bakit topless ka?!" Sigaw ko sa lalaki at dinuro-duro ko yung lalaki na GWAPO. 

"Apartment nino? Apartment KO 'to panget." Sabi ni lalaki habang ineemphasize ang KO. Kung sa kanya 'to. . . omeged.

"Apartment number nito?"

"Number twenty four. Ikaw 'tong nagwawala sa labas na papasukin ka dahil sa aso, eh di mo pala tinitingnan ang Apartment number?!" Sigaw nitong lalaki sa akin kaya napa-atras ako. Huhu, baka may ebola siya at matalsikan ako ng laway! Medyo OA 'te.

"Kuya, dami mong sinabi. Osige, amasarreh. Aalis na ako--"

Natigilan ako at humawak sa dibdib ko. Eto na naman yung pakiramdam ko, naninikip ang dibdib ko. Nag-panic ako at kinapa-kapa ang bag ko hinahanap ang vitamins ko.

Habang naghahabol ako ng hininga ay napaupo na ako sa sahig.

"Hey, are you okay?"

Kuya, mukha ba akong okay?! Gusto kong isagot pero kailangamnko hanapin ang vitamins ko, nang makita ko ay nanginginig na ako! "P-pahinging tubig."

Halos magmakaawa na ako kaya nag-panic siya at binigyan ako ng tubig. Ininom ko ang gamot ko at lumuwag na rin ang paghinga ko.

Nagpasalamat ako kay Kuyang gwapo at lumabas na ako ta's  dumiretso sa Apartment TALAGA ni Anna which is number twenty five.

Napatingin ako kay Anna na naka-pinknconverse at highwaist shorts at cropped tee. Nanghiram ako sa kanya ng mga damit dahil sa putik sa damit ko.

---

Habang nasa mall kami ay ang bunganga ni Anna ang ume-echo sa buong mall! Lakas ng boses, palibhasa nalaman niya katangahan ko kanina. ╮(╯▽╰)╭

"Hahahahahaha! Pero, 'di nga Caitleen? Topless at gwapo yung lalaki? May abs ba?"

"Gaga ka ba Anna? Inatake nga ako kanina ta's titingnan ko pa kung may abs? Aba'y kung hindi ka namansiraulo." Umirap ako at tumawa.

"Ako pa ba, Bruha? Siyempre siraulo ako! Pinaka-dyosa nga lang!"

"Correction, walang dyosa sa lupa. Bleh!" Pang-aasar ko, at nakita kong nagtaas ng kilay si Anna.

"Eh ano ako? Dyosa ako ng lupa 'noh! Hmp!" Sabi ni Anna kaya natawa ako. Ahuehue, ang cute ng bestfriend ko.

"Dyosang mukhang lupa ka, Anna."

"Huhu! Ang bad mo talaga sa akin Bruha ka!" Nag-asaran lang kami nila Anna hanggang sa maka-uwi na kami.

Kahit baliw ang bestfriend  ko, mahal ko 'yan. Tanggap niya kamalasan ko eh.

---xx

Gelly's Note::Ahuehue, iba writing style dito ah? Bakit? Kasi dyosa ang author nito  Huahua ヽ(*≧ω≦)ノ Si Caitleen sa side, hohoho. Dyosa siya. (´∀') Mas dyosa nga lamg author. Huahuahuahua “ψ(`∇´)ψ

Life of a CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon