Pangtatlumpu't pito

229 8 1
                                    

note: this would have flashbacks, just to remind everyone. Thamk u!!
[Pangtatlumpu't pito]

JAMES' POV

Naalala ko yung unang taon ko sa unibersidad na 'to. Yung panahong wala akong kakilala, yung panahong para akong maliit na daga na napunta sa isang malaking lugar. Sobrang nalilito ako sa paligid.

Tahimik pa nga ako eh. Habang naglalakad ako sa field ay may isang babae akong nakita. Naglalakad siya at halos di malaman kung anong hahawakan. Puro pagkain ang nasa harap niya, ang cute.

Hindi ko naman dapat siya mapapansin, pero dahil sa sorang puti at ganda niya nacurious ako. Oo, nadala ako sa kulay at itsura niya. Nakakaasar diba. Wala man sa pag-iisip, sinundan ko siya. Laking gulat ko nang matalisod siya.

Narinig kong nagtawanan ang mga estudyante sa paligid namin, napakunot ang noo ko. Lalapit na sana ako sa kanya para tulungan siya kaso... dumating si Ice. Ang bestfriend ko, tinamaan ako bigla ng hiya.

Lumipas ang ilang linggo, nalaman ko na rin sa wakas ang pangalan niya! Siya si Caitleen Montenegro, freshman din at student ng Multimedia arts. Kapareha ko. Pero kahit isang subject, di kami naging magkaklase. Kaya naman, hanggang stalk lang ako sa kanya.

Ito na, last day na ng school year. Pagkatapos nito, summer vacation na. Hindi ko na makikita ng dalawang buwan si Caitleen. Nagkaroon ng basketball game sina Ice. Bilang isang mabuting kaibigan nagpunta ako para suportahan siya at balita ko manonood daw si Caitleen.

Nakita ko na si Caitleen, kasama yung babaeng admirer ni Travis. Nagsisigaw sila at tumatawa, gusto ko sanang lumapit para marinig kung anong pinag-uusapan nila kaso, baka matunaw lang ako pag lumapit ako. Shit, ang bakla.

Kinuha ko ang camera ko at kinuhanan na lang ng litrato si caitleen. Ang ganda mo talaga.


Second year college, magkaklase kami ni Caitleen sa dalawang subject. Medyo sumikat na rin siya. Hindi dahil sa ganda niya, kundi sa kamalasan niya. Tawag sa kanya ng blockmates namin lampa, sa buong university, Queen of Malas.

Hindi naman siya malas eh, clumsy lang talaga. I find it really cute. Lunch time namin at palabas na kami ng room, sinadya ko talagang magkasabay kami para mapadikit siya sakin. Pero malas, binangga siya ng tatlong babae na nag-abot ng letter sa'kin. Natapon pa yung hawak niyang coke sa damit niya.

"Sorry," sabi niya, umiling ako at kinapkap ang panyo ko, "No, don't be. It's not your fault, may dala ka bang extra clothing? Para makapagpalit ka at di masyadong malagkit."


"Um yea, hihiram na lang ako sa bestfriend ko. Thanks sa panyo, I need to go. Bye!" Paalam niya at abot sakin ng panyo sabay takbo.


Iyon na ang una at huli naming pag-uusap buong sophomore year ko.


Bakasyon, ilang araw na lang third year na ako. Naliligo ako nang may biglang kumalabog mula sa labas.


Yung paraan ng pagkatok ay para bang may humahabol at nagmamadali. Halos sirain na ang pinto ng apartment ko!

"Bruhaaaaaaaaaaaaaa! Parang awa mo na, papasukin mo na ako! Mamamatay ako dito! Huhu, bilissss."

Sigaw ng isang babae mula sa labas, inayos ko ng maigi ang towel sa bewang ko at binuksan ang pinto.


"Putangina lang?!" Napasigaw ako dahil nagdire-diretso ang babae sa loob ng apartment ko. Umupo pa ito sa sofa kaya naman hindi ko agad nakilala kung sino siya.

Lumingon siya sa akin at dinuro ako.


"Teka! Hoy lalaki, nasaan si Anna?! Ba't ka nandito sa apartment ni Anna?! At bakit topless ka?!"

Life of a CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon