Pangtatlumpu't walo

239 8 3
                                    

WARNING: Drama. Spg.

[Pangtatlumpu't walo]

CAITLEEN'S POV

"Caitleen, kailan ka ba gigising? Ang tagal naman..." 


"Hoy James, tigilan mo muna si Caitleen. Baka pag nagising 'yan bingi na."


"Hahaha, oo nga naman James! Magigising din 'yang pinsan ko tiwala lang!"


"Gigiching djin pwo shi Tita Caitwin!" 


"Oh, tingnan mo 'tong anak namin ni Travis ang cute!"


"Huwag kang hapit James, ha?" 


Dinig na dinig ko ang iba't ibang boses na nanggagaling sa paligid ko. Gusto kong imulat yung mga mata ko pero parang ang bigat ng mga talukap ng mata ko. PAANO BA TO! 

"Oh, nandito pa'rin kayo? Hindi ba kayo hinahanap ng magulang niyo?" Si Auntieta. 

Narinig ko naman ang mga sagot nilang 'hindi'.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Hindi pa nila napapansin ang paggising ko.

Iba ang pakiramdam ko para bang nawalan ako ng tinik sa dibdib.  Napakagaan ng bawat paghinga ko. Para bang bagong tao ako!

"Mommy, si titcha keytwin pwo gishing na!" Sigaw ni Davis kaya naman nagsitinginan lahat sa akin.

Pati si Auntieta at Uncletito ay agad akong sinugod ng yakap. Si Ashley naman ay maluha-luha na may tinatawagan sa intercom ata yun. Napansin ko rin ang pag-ngiti ni Eric at Leah sa'kin, maging sila ay naiiyak din. Napatingin ako sa katabi ni Leah na si Anna at Ice. Umiiyak si Anna at si Ice ay napanganga na lang.

Ibinaling ko sa kabilang side ang paningin ko. Dahan-dahan ko siyang nakita. Dahan-dahan kong naramdaman ang saya. Dahan-dahan kong naramdaman ang iba't ibang pakiramdam. Bumitaw sina Auntieta sa pagkakayakap kaya nagkaroon ng tyansa si James na hawakan ang kamay ko.

"Kamusta ka na?"

Bago pa ako sumagot ay pumasok ang aking doktor at chineck ang vitals ko. Nang maclear na stable ako ay nagpaalam siya at may sasabihin kina Uncletito.

Nagsilabasan din ng kwarto ang mga kaibigan namin at naiwan kaming mag-isa.

Ngumiti ako.

"Okay naman ako..." Sabi ko at hinawakan pabalik ang kamay niya.

"Parang panaginip lang. Sinasagot mo na ba talaga ako?"  Biro ni James.

Napatawa ako, siraulo 'to.

"Bakit ayaw mo ba?"

---------------

"HAPPY THIRD ANNIVERSARY!" Sigaw ni James pagkalabas ko ng company.

Inasar-asar pa ako ng mga katrabaho ko sa building.

"Pakasal na kayo!" Sigaw pa nila.


Napatawa ako at nilapitan si James, hinalikan naman ako ni James sa pisngi.

"I missed you," Pagsusumbong ko.

"I love you too."  Aniya, napa-kunot ang noo ko.

"Sabi ko, I miss you." I pouted at sabay kaming naglakad papuntang sasakyan niya.

"Kahit na ano pang sabihin mo, mahal pa rin kita." Pahayag niya at kumindat, aba.


Ihinatid ako ni James hanggang sa condo ko. Nagtatanong pa nga ako kung anong gagawin namin para sa araw na ito.

Life of a CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon