Pangtatlumpu't anim

200 6 1
                                    

[Pangtatlumpu't anim]

Okay. This is it, pansit! Kaya ko 'to! Kaya ko 'to! Wooh! Go go go, Caitleen!

"Fighting!" Hiyaw ko kasabay ng pagtaas ng aking kanang kamay.

Nagmukha man akong ewan ay wala na akong pake. Inayos ko ang suot kong uniform at ipinasok ang dalang dslr sa bag nito. Inilagay ko ang bag ko sa harapan ko at niyakap ito.


Hindi ko talaga akalaing dadating ang araw na ito. You know, i know? Pumara ako sa isang jeep at nag beep ang cellphone ko.

Ice:
Hey. I'm here already. Nakasuot ako ng navy blue na polo shirt. See you soon, and sorry na agad. Ingat ka sa pagpunta dito. : )

Nakakastress man ang ginagawa ko sa aking ojt, oh well may time ako na makipag-ayos kay Ice. Matagal ko ng gustong makipag-ayos sa kanya kaso, natatakot ako. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob.

Nang marating ko ang meeting place namin ay tinamaan na ako ng matinding matinding kaba. Uwi na lang kaya ako?


Nahagip ng mata ko si Ice na mag-isang nakaupo sa isang table. Napaliligiran siya ng mga highschool students, sabagay napaka-gwapo rin kasi ni Ice. Nakita rin ako ni Ice at kinawayan ako. Nginitian ko siya at nag-jog ako palapit sakanya.

"Sorry, late ako. Kagagaling ko pa kasing ojt." Pahayag ko at umupo sa harapan niya.

"Anyway, Ice. I'm sorry, kasi ang tagal bago ko naisipang kausapin ka. Sobrang tagal, nakakabitter kasi! Ang tagal kitang hinabol, tas ang nilis naging tayo, ang bilis ding nawala. Teka, break na tayo, 'di ba?" Tanong ko.

I like this. Being casual and no hard feelings. Ang gaan lang sa pakiramdam! Dahil na rin siguro napatawad ko na siya. Natanggap ko na yung pagkakamali niya.

"I don't know, too. Ngayon na lang tayo magbreak?" Saad niya sabay halakhak, napatawa rin ako.

"Sandali! Ako ang makikipag-break! Okay, take one. Ice, break na tayo." Seryoso kong sabi, napatawa ako at si Ice.

"Ayan, official na." Sabi ko pa. "Pwede mo ng ligawan si Anna."

"Ikaw talaga. Caitleen, I want us to be friends again. Forget everything in the past. No hard feelings, ganon ba. Okay lang naman, 'di ba? Tsaka sa napapansin ko ngayon parang naka-move on ka na?"

"Hmm, sige Ice. Friends." Inilahad ko ang kamay ko at agad niyang tinanggap iyon.


"Hi, stranger. I am Ice Lacson, nice meeting you." Kumindat si Ice at ngumiti.

"Hi, Ice. I am Caitleen Montenegro, ever dyosa you know." Sabi ko.

Nakakatuwa. Napakagaan sa pakiramdam, I'm no longer holding grudges. Nginitian ko si Ice na nakayuko ngayon. Pero nakangiti rin siya. Makakatulog na siya sa gabi, kasi napatawad ko na siya. Kahit wala talaga siyang ginagawa, madami talagang naattract sa kanya. Lumingon ako at nakita ko ang isang highschool student na kanina pa nakatitig sa kanya.

"Ice, favor lang. Please go with the flow." Sabi ko at tumango siya.

Tumayo ako at linapitan na ang highschool student na 'yun.

"Miss, gusto mo magpapicture sa kasama ko?" Tanong ko.

Nagulat naman siya at agad na tumanggi, "Huwag na po! Nakakahiya..."

"Okay lang yan, tara?" Hinila ko siya at dinala sa tabi ni Ice.

"Ice, picture kayo. Dali naaaa." Pamimilit ko, tumawa naman si Ice at tumango.

Life of a CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon