Pang-walo

882 24 6
  • Dedicated kay Shiela Mae Liwanag
                                    

[Pang-walo]

Third Person's POV:


BALISANG balisa si James habang tinatapik ang mukha ni Caitleen. Nahimatay kasi si Caitleen kanina, di niya alam ang gagawin.


"Damn! Caitleen, gumising ka!" Kinuha ng binata ang kanyang cellphone at inilawan si Caitleen, nanlaki ang mata niya nang makita niya ang pamumutla ni Caitleen.


"Damn! Shit shit shit!" pagmumura ni James.


Kaya dali-dali niyang dinial ang number ni Ice pero, saka niya lang naalala na expired na ang unli niya. Hinanap niya ang cellphone ni Caitleen. Sigurado naman si James na gising pa si Anna, 7:30 pa lang naman kasi ng gabi.


"Aish! Bruha, nasaan ka?!"


Hindi agad nakapag-salita si James.


"Aynako Bruhaaaa! Punta ka dito sa bahay ah? Andito si Ice. yieeeeee." Pang-aasar ni Anna.


"Anna... Tulungan mo kami ni Caitleen." Nangangatal ang boses ni james.



"Wait. James ikaw ba 'to?! Anong nangyari kay Caitleen? Nasaan kayo?!" sigaw ni Anna at narinig ni James sa background ang boses ni Ice parang sinasabing 'anong nangyari'.



"Nasa Gym kami. Anna, bilisan niyong pumunta dito. Nawalan ng malay si Caitleen." halos natatarantang sabi ng binata at tiningnan si Caitleen.



"WHAT?! DAMN! ICE, BILISAN MO!"



Iyon ang huling sinabi ni Anna bago niya ibaba ang telepono. Napatingin lamang si James kay Caitleen.


Inayos niya si Caitleen, "Sandali lang Caitleen. Sandali na lang may tulong din tayong makukuha..."


Ilang sandali pa ay nakarinig na ng sigaw si James mula sa labas.


"OPEN THIS GODDAMNED DOOR, QUICK! MAY TAO OA SA LOOB, HINDI MO CHINECK?!"


Ramdam ni James ang galit ni Anna.


Nang mabuksan ang pinto ay napamura si Anna.


"Ice 'yung sasakyan mo!!" sigaw ni Anna. Kaya binuhat ko na si Caitleen sa sasakyan ni Ice.


Anna's POV:


Nandito kami ngayon sa ospital. Hinihintay namin ang sasabihibln ng doctor. Nagulat nga ako kanina, nasa bahay kasi si Ice. Nagpapaluto ng Chicken curry ng tumawag sa akin si James gamit ang phone ni Caitleen. Nabigla ng ako nung sabihin ni James na nasa gym sila ng oras na 'yon. Dahil 7:30 PM na nun, ibig sabihin, sarado at patay na ang mga ilaw doon. Malaki ang takot ni Caitleen sa dilim, may phobia siya sa dilim. 'Di ko lang tanda kung anong tawag sa phobia na 'yun.



Life of a CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon