Pangtatlumpu't dalawa

176 8 0
                                    

[Pangtatlumpu't-dalawa]

Ilang araw na ba, ilang linggo? Matagal tagal na din. Fourth year college na ako mga bez. Mas stressful pag graduating! Seryoso! Mas madami ang gastusin! Mas hassle!

Bumuntong hininga ako sabay inom ng kape. Nung mga nakaraang araw, kape na lang ata ang dumadaloy sa dugo ko. AYOKO NAAAAAA. ㅠㅠ

"Caitleen, may bisita ka!"

Teka, sabado ah. Sino namang pupunta dito? Inayos ko ang gamit ko at ang sarili ko. Humihikab pa akong nakarating sa sala.

Tinawag niya ang pangalan ko at napangiti ako nang makita ang pamilyar na babae.

Kahit kailan ang ganda ng babaeng 'to. Ang puti niya pa. Lol

"Leah, bakit ka naparito?" Tanong ko habang nag-iinat inat. Cute kasi ni Leah tas maganda ako. So yea, close friends na kamiii. O  3 O

"Samahan mo ako.  Samahan mo akong sabihin ang lahat kay Travis."

Napatigil ako at napanganga. 'Di ako makapaniwala! Luh weh? Omg. Big revelation 'to para kay Leah at Travis!

"Caitleen? Okay ka lang? Brain dead ka na ata." Niyugyog ni Leah ang katawan ko kaya nagising ako sa realidad.

"Magbibihis lang ako." Sabi ko sabay takbo sa kwarto ko, narinig ko pang sinabi ni Leah na 'take your time'

Nakakatuwa 'tong si Leah. Iba na ang ngiti niya, mas maaliwalas na. Pero ako ang kinakabahan para sa kanya. Malaki-laking sikreto itong ilalabas niya.

Nagsuot lang ako ng isang puting hanging blouse at black skinny jeans. Naghanap din ako ng sneakers para mai-partner sa damit ko.

Ang ganda mo talaga, Caitleen!

*****

Nakaharap kaming dalawa ni Leah kay Travis na nakayuko ngayon. Naikwento kasi namin lahat. When I say lahat. LAHAT NG LAHAT. oha ang gulo ko.

"Gago talaga 'yung Trent na 'yun." Bulong ni Travis.

Pero isa lang napansin ko, umiiyak si Leah. Kahit ako naluluha eh! Kasi naman!

"Mahal pa rin kita, Travis. Mahal na mahal."

Dahil dun, naglaglagan ang luha ko at ni Travis. Yung nararamdaman ko ngayon? Parang pinupunit ang pagkatao ko! Naawa ako sa kanila. Awang-awa. Masaya sana sila ngayon, hindi sana sila nahihirapan. Pero wala, mapaglaro ang tadhana.

"I do too. I still love you too so much. Leah ikaw lang sineryoso ko! Itong puso ko, sinasabing ikaw pa rin." Travis shouted. Nagtinginan ang mga tao sa loob ng cafe.

"Tanggap mo pa ba ako? I am a dirty woman. . ."

"You're not!"

"Hindi!"

Sabay naming sabi ni Travis. Hindi ko na kinaya ang bigat ng atmosphere.

"Excuse me." Sambit ko at nagpunta sa Ladies' Room.

Tiningnan ko ang sarili ko. What the hell. Mukha akong aso na mapula ang buong mukha.

Pero naiiyak pa rin ako. Hindi kaya ng puso ko ang pangyayari. Nag-ring ang cellphone kong cute.

"Hello?"

"Umiyak ka ba?"

Wow naman dis boy.

"Ikaw na ba si Madam Auring?" Tumawa pa ako kasi yung boses ko ano pa.

"Caitleen. Nasaan ka?"

Life of a CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon