Pangdalawampu't-dalawa

532 12 2
                                    

[Pangdalawampu't-dalawa]

Caitleen's POV:

"Auntietaaaa. Pwede baaaaaaa?" pagpapacute ko kay Auntieta. Diba nga niyaya ako ni Ice sa Tagaytay para sa family reunion nila? Dapat magpaalam ako kay Auntieta.

"Anong pwede?" tanong ni Auntieta habang nagluluto ng caldereta.

"Pwede ba akong sumama kay Ice kasi---" naputol ang sasabihin ko ng malaglag ang kutsilyong hawak ni Auntieta.

"Makikipagtanan ka na Caitleen?" tanong ni Auntieta at humarap sa akin. Anong tanan? "Caitleen! Pag nakikipagtanan, dapat 'di nagpapaalam!" patuloy pa niya.

"Ano po?! HAHAHA! Hindi po ako makikipag-tanan, pupunta lang po sa Tagaytay, isasama ako ni Ice sa family reunion nila! HAHAHA! GRABE AUNTIETA!" paghalakhak ko pa.

Wtf lang diba? HAHAHA! Tanan? Pwede pero depende!

"Ipapakilala ka ba ni Ice sa pamilya niya? Hala! Mamanhikan na ba? Baka naman buntis ka?" tanongpa ni Auntieta na ikinatawa ko.

Halaaaaa! XD

"Hindi po! Hahaha. Date lang po namin ni Ice 'yun. Baka kasi mag whole day kami, Pwede po ba?" tanong ko ulit.

"Oo naman, yes. Mahigit isang buwan ng nanliligaw 'yang si Ice diba? May tiwala ako sa kanya at sana i-uwi ka niyang birhen." tuloy-tuloy na sabi ni auntieta.

Anong birhen? Bibili ba kami ng santo sa Tagaytay?

"Ah hehe. Opo." tangi kong sabi. Umakyat ako papuntang kwarto ko at dali-dali kong hinanap ang phone ko. Ite-text ko si Ice.

To: Ice lh4rnXz_sHu4pHat n0aH_sHu1xTy_n1N3
Elo~ Pinayagan na ako sa saturday. :)

Wag na kayong magtaka sa contact name niya hue. I lab et kaya. So kyot. Napahiga ako at napansin ko ang gitara ko. Naalala ko si James. Dalhin ko kaya ang gitara mamaya.sa school? Tapos pakantahin ko si James? Napatingin ako sa relo at nakitang mag-eeleven na. Kailangan ko ng mag-ready pumasok.

1:15pm kasi ang schedule ko ngayon.

---

Pagkatapos kong maligo at gawin ang ritwal na tanging dyosa na katulad ko lang ang nakakagawa, kinuha ko ang gitara ko at bumaba na. Kakain muna ako ng lunch bago pumasok.

"Caitleen hija, pwede bang pakibigay kay Ashley itong baon niya ah? Wala kasing baon e." sabi ni Auntieta at sarap na sarap ako sa pagkain. Nyam nyam!

"Titaaaaaa!" narinig kong pagkalampag mula sa labas.

"James hijo!"sigaw ni Auntieta.

"Susunduin mo ba si Caitleen?" tanong ni auntieta.

"Opo, baka kasi 'di na makalakad sa katabaan." James.

Napatawa si Auntieta at tinabihan ako sa hapagkainan. Napairap ako, naka-on na naman siguro ang pagiging monggoloid niya dahil nakapaskil na naman sa pagmumukha niya 'yung ngiti niya na 'I'm-watching-you look' like what the hell diba?!

"Oh ano Caitleen, kamusta? May suot ka na bang napkin ngayon? Alam mo na iwas-tagos. Hehe." ani James.

Agad kong naibuga ang kanin sa bibig ko. Lesheeee. Ang baboy talaga ng lalaking 'to! Pag-usapan ba naman ang regla e kumakain ako? Tengene mo po James. With feelings.

Napairap ako at nag-focus sa pagkain.

Loko 'tong si James! Ugh so gross kaya!

"I hate you James. Naka-on na naman 'yang monggoloid syndrome mo!" sabi ko at nagmadali kumain.

Life of a CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon