Pangtatlumpu't apat

200 6 0
                                    

[ Pangtatlumpu't apat ]

Pumikit lang ako ng mariin at nagtingin-tingin sa paligid. Nararamdaman ko ang mga tingin ng aking nga ka-eskwela, siguro naguguluhan sila kung bakit ako nakatayo sa gitna ng hallway. Sa totoo lang, nahihiya na ako.



". . . You could've been hurt! Sana tumawag ka muna sa'min! Alam mo bang sobra akong nag-aalala. Tinawagan ko na sina Leah pero wala silang alam." Sinabunutan ni James ang sarili niya. Ngayon ko pa lang siya nakitang ganito ka-frustrated! Gohd, nag-iigting ang bagang niya pero makikita mo pa rin na pinupuno ng sincerity ang mata niya.

So cute naman this boy!



"Calm down, James. Okay naman ako, okay lang and besides. Nagka-ayos kami ni Anna. Wag ka ng mag-alala, okay?" Sambit ko sa kanya habang nakabungisngis.



Hinaplos-haplos ko ang buhok ni James, sa tagal naming magkasama nakasanayan ko ng paglaruan ang buhok niya.



Hinawakan ni James ang sa may pulsuhan ko at tumawa. Nagtaka pa ako sa ginawa niya pero napangiti na rin ako




Ito, ito ang dahilan kung bakit gustong gusto kong nags-stay kasama si James. Thoughtful siya tsaka understanding. Mag-explain ka ng isang bagay, isang beses mo lang sabihin. Panigurado, maiintindihan ka niya agad.




Binati ako nina Leah at Ashley nang makita nila si James. Tinukso-tukso pa nga nila ako na baka raw kami na ni James. Nope! Bestfriend lang talaga tingin ko kay James. Tsaka yuck ha!




Ipinakilala ko na rin kay Leah si Anna nung lunch time namin. Officially, friends na sila! Dapat nga magkikita sila ngayon at pag-uusapan ang meron sa kanila Travis.



Naaalala niyo naman diba. Anna x Travis x Leah. Homaigat, haba ng hair ni Travis.


"James, Ash, Eric sundan kaya natin sila Leah? Baka magsabunutan sila eh." Sabi ko habang pinaglalaruan ang ballpen ko sa kamay ko.



Naghihintay kasi kaming apat sa waiting shed, susunduin daw ni Auntieta kaming dalawa ni Ashley. 'Yung dalawang mokong, hihintayin daw nilang dumating sina Auntieta kaya nandito din.

"Wow naman, Caitleen. Yung salitang privacy alam mo ba 'yon?" Idiniin pa ni Ashley ang pagkakasabi ng privacy.

Fine! Nagpapadyak ako at nag-pout.

"Besides, Leah is not a fan of catfights. She said that it'll be a waste of time." Sambit ni Eric sabay kindat kay Ashley. Kitang-kita ko naman ang pagkainis ni Ashley at sinapak ng mahina si Eric.


Noseblood naman ako sa sinabi niya. Napapansin kong ang tahimik na ni James. May problema kaya 'tong lalaking 'to?

Ibinaling ko sa kanya ang atensyon ko, tinawag ko na din ang pangalan niya.



"Oh?"



"Okay ka lang?"



Ngumiti siya ng mapakla at sinabing okay lang siya. Pag ganito na si James, hug ko lang sapat na. Pero ano, clear sa kanya na friends lang kami.

Niyakap ko siya, napaigtad pa nga siya nang maramdaman niya ang braso ko na nakapulupot sa katawan niya.

"Feeling much better?" tanong ko. Ngumiti siya at tumango.

*****

"What the hell." Bumulong-bulong pa ako habang nagpapadyak-padyak. Nararamdaman ko pa rin ang inis!

Una, kahapon nagwala ako sa mall kasi ang tropa mga talkshit. Nagkayayaan na mag-mall tas biglang nagtext na 'di daw sila lahat pwede! Aba?! Nakakabadtrip! But then, ngayon niyaya ako ni Eric mag-mall kaso ayaw ko. Duh.

Pinulot ko na lang yung mga nagkalat kong gamit sa kwarto. Doon ko nakita ang iilang love letters ni Ice. Wow naman. Nakakamiss. Paano kung makipagbati ako kay Ice? Hmm.

"Ay!" Tili ko nang may narinig akong parang bumagsak sa baba. Dali-dali akong bumangon at bumaba sa salas.






Sumilip muna ako at nakitang may magnanakaw! Gusto kong sumigaw kaso natakot ako. Naramdaman ko na lang na may tao sa likod ko at nilagyan ng panyo ang ilong at bibig ko. Dahilan ng pagkahilo ko.

Nagising ako nang may naramdaman kong tumatapik sa mukha ko.

"Hey there sunshine." Sabi ng isang pamilyar na boses. Napansin kong si Eric 'yun. Hilig talaga sa nicknames.

Ikinurap-kurap ko ang mga mata ko at inadjust sa liwanag na tumatama sa mata ko. Inalalayan ako ni Eric hanggang ww makarating kami sa isang lugar na maraming ilaw at kandila. May red carpet tsaka rose petals sa paligid.


Binitawan ako ni Eric at nagsimula akong maglakad sa carpet, taray ko naman.  Napangiti ako dahil ang ganda ng ambiance. Niyakap ko ang sarili ko, at dun ko lamg napansin ang pag-iiba ng damit ko. Sinong nagbihis sa'kin?! Nanlalaki ang mata ko nang mahagio ko ang isang arkong kulay puti na puno ng pictures... KO?!

Naagaw ng atensyon ko ang mga stolen kong kuha. Sino ang nagpicture nito?

Pagkalagpas ng arko may isang lamesa for two. Iyon agad ang napansin ko, tiningnan ko pa ang paligid at napansing nagkalat ang rose petals. May mga scented candles din sa paligid. Nakakadagdag ng feels sa paligid.

Bago pa ako makarating sa lamesa ay may nag-lagay ng flower crown sa ulo ko. 'Di ko na napansin kung sino.


Dahil nakatuon ang pansin ko sa lalaking naka-white suit na nakatalikod sa'kin. Teka, suit?!

Tiningnan ko ang damit ko, nakasuot pala ako ng baby pink na dress na may madulas na tela. Kaya pala pakiramdam ko kay dumadampi sa' kin na feather.

Para sakin ba lahat ng 'to?


Binunot ko ang lakas ng loob ko, "Excuse me?"


Unti-unting humarap sa'kin ang lalaki. Sa pagharap niyang iyon ay parang binigyan ako ng pagkakataon na pag-aralan ang mga physical features niya. Sa pagngiti niya, hindi ko alam. Pero parang tumalon ang puso ko sa tuwa.

------

note: 2-3 more chapters to go. :) thanks for the support.

Life of a CommonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon