Chapter 4 - Codes, Ciphers, and Codenames

33.5K 1.5K 1K
                                    

Edward Dace

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Edward Dace.

14. August.
Saturday, 9:00 am.
San Lorenzo Park.

SIGURADO NA AKONG MAY KAMALASANG DALA sina Kuya PolSci at Kuya Psyche, na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan.

Kahapon, noong kasama ko sila sa library sa uni, na-suspend kami. Kanina, dahil sa ingay na nagawa namin (at dahil sa avalanche ng mga libro na hiniram ni Kuya Psyche) ay muntikan na kaming ma-ban mula sa public library ng San Lorenzo, kung hindi lang napakiusapan ni Kuya Psyche at Macey 'yong librarian.

Ngayon, ewan ko na lang kung mapalayas pa kami sa park na 'to.

May mga batang naglalaro sa paligid, kasama ang mga magulang nila. May mga nagtitinda ng pagkain at may mga naglalakad-lakad lang. Maraming tao, kahit Sabado ng umaga lang.

Kaming tatlo naman nina Kuya Psyche at Kuya PolSci ay nagsisiksikan sa nag-iisang park bench na hindi okupado. Hindi sana kami magsisiksikan kung hindi pinaupo ni Kuya Psyche sa tabi namin 'yong isang matandang babae na nagbabantay sa mga apo n'yang naglalaro.

Hindi ko talaga alam kung bakit namemeste pa rin silang dalawa sa 'kin.

Si Macey, nagpaiwan sa library dahil kikitain daw si Adrian. Tutal daw, may kasama na akong "mga kaibigan", kaya kahit hindi na n'ya 'ko samahan ay okay lang.

"Naka-connect ba sa internet ang laptop mo?" tanong ni Kuya Psyche kahit halata naman na nasa website pa rin ako ng Literature Club.

"Yep," sagot ko, "at hindi ako nagpapahiram ng laptop. Kahit lumuhod ka sa harap ko."

Nalungkot si Kuya Psyche. Si Kuya PolSci, ang aming butihing reyna, ay nagsabi ng, "And what is your plan with that "virus" on your laptop?" He gestured air quotes at the word virus.

I squinted my eyes at him and grimaced. "Aalisin ko."

"Good luck."

His good luck was a bloody jinx.

For almost two hours, I'd been trying to remove the pop-ups and the unnecessary notifications from the Literature Club's website. Now that I've heard PolSci dude's luckless "Good luck", I realised that the pop-ups and the whole shebang was done on purpose.

I glared at PolSci dude, then took a deep breath. Tinitigan ko muna ang mga pop-up na pumupuno sa screen ko.

QUICK SURVEY!
QUICK SURVEY!
QUICK SURVEY!

"Sige, papatulan kita," bulong ko sa punyetang pop-up at pinagnilayan sandali ang Take the Survey! button.

Click.

KLEENEX, LUXE, OR PAPYRUS?

"WHAT THE HE—no, no, calm down. Okay, I'm calm, I'm calm." I took a deep breath and smiled at the survey. This is just a normal survey, Edward Dace, of course they'd be advertising their tissue pape—a what? A tissue paper...?

[Seven-Minute Semblance] GODSFORRENT & FIMBULWINTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon