Chapter 18 - We Chilled in the Devil's Receiving Hall

12.8K 769 313
                                    

Edward Dace

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Edward Dace.

28. August.
Saturday, 8:00 am.
372A High Street.

"Hi, 'eto 'yung agahan na pinangako ko." Futhark raised a paper bag and smiled. He stood by the doorway, waiting for me to let him in.

I snorted and beckoned him to follow. "Talagang sineryoso mo?"

He crouched down to remove his shoes. "Nakakabawas ng lungkot ang pagkain."

"'Wag ka nang magtanggal ng sapatos. Bakit lagi kang nagtatanggal ng sapatos?"

Tumango s'ya at isinarado na lang ang pinto. Kinuha ko 'yong picnic blanket na iniiwan nila rito at nilatag sa sahig. Naghain naman si Futhark. Tahimik lang kaming kumain.

Maya-maya ay binasag ni Futhark ang katahimikan. "Nag-aalala ako para kay Joyeuse," sabi n'ya. "Hindi s'ya nagre-reply sa mga text ko. I mean, hindi naman talaga s'ya nagre-reply sa mga text ko kahit noong magkakasama pa tayo, pero kahit papaano..."

"Same," I replied. "Malakas ang kutob kong may kinalaman si Nicholas James doon." My eyes drifted to my table. Doon ko nilagay ang card na ibinigay ni Nicholas. Kapag nalaman ni Futhark na pinuntahan ko 'yong tea shop...

I shook the bad thoughts off my head and focused on breakfast. Mind reader si Futhark, mapanganib na.

"Gusto mo bang simulan na ang project kay Sir Lance?" Futhark asked, surprisingly changing the subject. "Pwede nating gawin ang draft ngayon."

I shrugged. "Hindi ba dapat hintayin natin si Joyeuse? Baka ipaulit n'ya lahat ng kung anumang magagawa natin kapag hindi n'ya nagustuhan 'yung ginawa natin."

"Draft lang naman?"

"Kaya ka nalalait ni drama queen, e. You are a lamb to the slaughter."

"Nga pala, kanino tayo magpapatulong sa pananahi?"

I grunted in disbelief. "Hindi ka marunong manahi?"

He smiled weakly, peppering his shame with small, forced chuckles. "Hindi porket pinagluluto ko kayo at pinagsisilbihan, alam ko na ang lahat ng gawaing bahay."

I smirked. "Humingi tayo ng tulong kay Macey, baka marunong s'yang manahi."

Futhark nodded. "Puntahan natin mamaya pagkatapos kumain?"

"Pwede ko namang i-message na lang."

"Ayaw mo talagang lumalabas ng kwarto mo? Hindi ka nasisinagan ng araw o nakakalanghap man lang ng sariwang hangin."

"There's a good reason why technology is invented."

He frowned. "Pupunta tayo sa CC pagkatapos nating kumain."

••• GODSFORRENT •••

I FIGURED FUTHARK just wanted an excuse to get me to exercise for today. I could totally send Macey a text message and there'd be zero reasons to continue with this quest.

[Seven-Minute Semblance] GODSFORRENT & FIMBULWINTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon