[Soon to be published!]
When the tissue papers of destiny and an unexpected murder case bring them together, college students Edward, Futhark, Joyeuse, and Laevateinn try their best to solve the crimes that come their way. But things get complicated...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Futhark.
16. September. Thursday, 1:00 p.m. Windsor Hotel Room 115.
SECOND DAY of session with Ms. Theresa Gracia. This time, nagbigay siya ng papel na sasagutan namin. Essay type at dalawa lang ang tanong, pero binigyan niya kami ng kalahating oras para magsagot.
So, question number one...
"Who among your three teammates do you trust the most? You can only give one name, and then explain why."
Ah.
Kaya pala kalahating oras ang alloted time. Mahirap sagutin ang isang 'to. Let's skip to the second question.
Question number two: "If you could save one teammate and leave the other two to die, who would they be and why?"
Napatingala ako kay Ma'am Theresa. Bakit ka po ganito?
Ngumiti siya sa 'kin at nagsabing, "Keep writing, Futhark, we have a long discussion later."
Si Edward na mabilis ma-distract ay nakatagpo ko ng tingin. Kinunutan niya ako ng noo na parang mas mahirap pa sa College Algebra ang sinasagutan namin ngayon at gusto niyang mangopya ng sagot.
Sinipat ko ng tingin si Joyeuse. Nakakrus ang mga braso niya at nakikipagtitigan siya sa papel. Si Laevateinn naman ay tinulugan ang test.
Anong isasagot ko rito?
Pinagkakatiwalaan ko silang lahat. Si Edward, sigurado akong mabait na bata kahit na pasmado ang bunganga. Si Lae, maaasahan at mapagkakatiwalaan sa lahat ng bagay.
Maliban na lang kapag inutusan mong iligpit ang comic books na nasa sala, pero overall, mabait ding bata si Lae.
Si Joyeuse...
Hindi si Joyeuse ang tipo ng tao na ipapahamak ka dahil lang trip niya.
Yata.
Mahirap pagkatiwalaan si Joyeuse dahil wala sa mukha niya ang pagiging anghel, pero isang buwan na rin ang nakalipas at hindi pa rin niya sinasabi kahit kanino ang tungkol sa sakit ko. Kung tutuusin, pinagtatakpan niya pa ako.
Kailan ba ang huling beses na may taong handa akong pagtakpan?
"I'll get us out of here, you have to trust me!"
"I'm... thought you need to know."
"You bought me strawberry shake without me saying anything! You're doing quite well as vice president of our company!"
"I trust you, SNAFU."
Ah.
Pumipitik-pitik ang sakit ng ulo ko. Saan ko ba narinig ang mga pangungusap na 'yon?