[Soon to be published!]
When the tissue papers of destiny and an unexpected murder case bring them together, college students Edward, Futhark, Joyeuse, and Laevateinn try their best to solve the crimes that come their way. But things get complicated...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
DAHIL SA MGA NALAMAN ko kanina, nagmagandang-loob ako na manlibre ng hapunan. Hindi pa bumabalik ang Coronado Chronicles mula sa seminar nila at wala kaming maisip na magawa sa hotel na hindi makasisira sa reputasyon at bait namin.
Now for some reasons, wala masyadong umiimik kanina sa kwarto (nag-stay muna sina Futhark at Lae sa 412), maliban noong nagtanong ako kung gusto ba nilang maglaro ng tagu-taguan, and they didn't just refuse, they dismissed me.
Pagkatapos ay gumala-gala si Lae kasama si Fenrir; baka bumalik sa natural habitat n'ya at natunugan na lang na kakain kami ng hapunan kaya umuwi ng ala-sais.
Si drama queen ay nakatulog pagkapasok na pagkapasok n'ya sa kwarto at nagising na lang noong nakituloy si Futhark, pagkatapos ng session nila ni Ms. Gracia.
Tahimik lang si Futhark pagkatapos no'n, nagsulat lang s'ya ng notes n'ya habang nasa pinakasulok ng hotel room. Pinahiram ko s'ya ng headphones para kumpleto ang pag-e-emo n'ya. Hindi na s'ya nakapagsulat dahil tinuro ko sa kanya kung paano gamitin ang Youtube app.
Ngayon ay nasa Shakey's kami. Pinagala muna ni Lae si Fenrir sa labas dahil hindi s'ya pinapasok sa Shakey's. Hindi ko alam kung paano sila magkikita ulit mamaya. Sa hotel ba uuwi si Fenrir? Paano kung magkasalisi kami at bumalik si Fenrir dito tapos si Lae, nakauwi na?
Paano nagagawang pagalain ni Lae si Fenrir, ganoon ba kalaki ang tiwala ni Lae sa katalinuhan ni Fenrir?
I tried to create a healthy dinner conversation. "Mga dudes, 1 pm pa ang klase natin kay Ms. Gracia bukas. Anong balak n'yong gawin sa umaga?"
Nag-isip naman sila, pero walang sumagot. Mga perkele.
"Okay lang ba kayo?" I asked. Their silence was becoming a bit concerning.
"Gracia gave me homework," Joyeuse replied, finally. "I'm simply observing all of you. It's research."
"Ikaw, Fu? Kanina ka pa tahimik, tapos hindi mo rin ako pinagsabihan no'ng sinabi kong aakyatin ko 'yong chandelier sa hotel."
"He knows you can't reach it even if you tried," Laevateinn said.
"Edward Dace, you're 5'4", right?" Joyeuse asked, taking out his smartphone to take down notes. "How does that make you feel?"
"What, I'm 5'5", you fucking cu—"
"Eh, 5'4". It's that weird hairstyle of yours that gives you the illusion that you're 5'5"."
I scowled at him. Buti pa si Ms. Gracia, naniwalang 5'7" ako.
"Now," Joyeuse continued, "you didn't tell me what being short makes you feel like. Angry?"