Futhark.
18. August.
Wednesday, 10:00 am.
372A High Street.TANGHALI AKONG NAGISING, at nagising ako sa sahig ng kwarto ni Edward. Sandali kong inalala kung anong nangyari pagkauwi namin galing doon sa warehouse na pinagtataguan pala ng mga sindikato (o Mafia?).
Nakakatakot, kinakabahan pa din ako kagabi habang kaming apat ay nasa sasakyan ni Sir Lance. Ayoko nang maulit 'yung nangyari na 'yon.
Si Nicholas James na kaaway ni Joyeuse, dalawang beses naming nakita kahapon. Sina Sir Lance at Laevateinn na kayang makipagsabayan sa mga sindikatong may baril. Si Edward na may pinoproblema pala sa magulang niya. Si Joyeuse na siguradong walang kwenta na naman ang tingin sa 'kin.
Ang dami ko nang iniisip.
Hindi ko pa nakukuha 'yung mga gamit ko na kinumpiska nung mga sindikato kagabi. Nando'n 'yung cellphone ko, wallet, susi ng apartment, at saka 'yung iba ko pang gamit. Paano ko kaya mababalikan 'yon?
Napabuntonghininga na lang ako at bumangon. Sinipat ko ng tingin sina Edward, Joyeuse, at Laevateinn. Sa 372A pala kaming apat natulog. Si Edward, nasa sahig din at natutulog sa ibabaw ng kumot na kinakainan namin. Si Joyeuse nakabalandra sa kama. Si Laevateinn, sa ilalim ng kama natutulog. Nakikita ko 'yung paa niya.
Gusto ko sana silang gisingin kaso puyat at pagod sila. Hahayaan ko na muna silang matulog. Paano pala ako makakauwi sa apartment? May pagkain pa ba ako sa apartment para maipagluto ko sila ng agahan?
Nagising si Joyeuse. Kinapa-kapa niya muna kung nasaan 'yung salamin niya, pero hindi niya mahanap kaya tinitigan na lang niya ako nang masama. "Is that you, Futhark?"
"Oo," sagot ko.
"Good." Tapos bumalik na siya sa tulog.
Biglang sumigaw si Edward at bumangon. Pawis na pawis siya kahit na bukas ang aircon. Kaagad akong lumapit sa kaniya. Si Joyeuse, napabangon din at sumilip. Si Laevateinn, medyo napalundag ang puso ko nang nakita ko siyang nakasilip na mula sa ilalim ng kama.
"Anong problema, Ed?" tanong ko. Nakakunot-noong nanood si Joyeuse.
Umiling si Edward at sandaling nag-isip. I let him compose himself first.
Nakita na ni Joyeuse ang salamin niya. "What are we doing in 372A?" tanong niya. Si Laevateinn ay sumiksik na muli sa ilalim ng kama at ipinagpatuloy ang tulog niya.
"Sobrang puyat at pagod natin kagabi, hindi na tayo nagbalak umuwi sa mga kwarto natin?" Nagkibit-balikat ako.
"My dorm room is literally in the same floor." Nag-inat si Joyeuse, tapos may bigla siyang naalala. "We slept here because Edward said so, didn't we?"
Binato ni Edward ng notebook si Joyeuse. "Uh, dude? You picked the lock of my door and said that's it, let's crash in this room."
"Because you said, tonight was scary, "dudes". Samahan n'yo muna ako."
BINABASA MO ANG
[Seven-Minute Semblance] GODSFORRENT & FIMBULWINTER
Mystery / Thriller[Soon to be published!] When the tissue papers of destiny and an unexpected murder case bring them together, college students Edward, Futhark, Joyeuse, and Laevateinn try their best to solve the crimes that come their way. But things get complicated...