Chapter 21 - Dave Casedale Drew

15.3K 766 913
                                    

Sender: Melissa DrewReceiver: DaveNak, pwede bang bumisita sayo ngaun?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sender: Melissa Drew
Receiver: Dave
Nak, pwede bang bumisita sayo ngaun?

Sender: The Great Edward Dace
Receiver: Unregistered Number
Busy po ako.

Sender: Melissa Drew
Receiver: Dave
Dalawang taon ka nang busy

Sender: The Great Edward Dace
Receiver: Unregistered Number
I know, right? Sucks. Sorry.

Futhark.

1. September.
Wednesday, 3:13 pm.
Audio Visual Room.
Coronado University.

"Tulungan mo akong dalhin sa CC sina Edward," bulong sa 'kin ni Zweihänder. Hinigpitan niya ang kapit sa balikat ko, and I felt reassured. Kaagad akong tumango at tumakbo sa harap.

Hinila ko si Joyeuse palayo sa nagbubunong si Edward at Nicholas. Kinailangan ko ang pwersa ng buo kong katawan sa paghila sa kanya. Tinitingnan ko ang reaksyon niya sa mukha kung talagang galit siya kay Nicholas at kung talagang intensyon niyang manakit sa harap ng maraming tao.

Hindi siya galit. Pagkahila ko sa kanya ay tahimik lang niya akong itinulak palayo. Walang expression sa mukha niya. Walang galit, inis, o takot. Blangko lang.

Ako ang natakot sa kanya kaya sinagad ko na't kinaladkad siya palabas ng kwarto. Sa peripherals ko ay nakita ko na binuhat ni Zweihänder si Edward at saka ito binitbit palabas. Bago rin sumara ang pinto ng AVR ay naaninag ko pang nilapitan ni Alice si Nicholas James.

I see.

Nagtagpo kami ni Zweihänder sa hallway papunta sa newsroom ng Coronado Chronicles.

"LET. ME. GO!" sigaw ni Edward habang sinusubukang kumawala sa mahigpit na pagkakabitbit sa kanya ni Zweihänder. Si Laevateinn ay nakabuntot kay Zweihänder, umaalalay siguro kung sakaling mapasama ang sipa ni Edward at mabagok ang ulo ng isa sa kanila.

Huminto kami sa ilalim ng staircase. Ibinaba ni Zweihänder si Edward at hinabol ang hininga niya. Nakatayo't nakabantay si Lae. Mahigpit ang kapit ko sa damit ni Joyeuse. Hindi namin alam kung anong tumatakbo sa isip niya at baka bigla siyang sumugod kung saan, o kaya'y baka bigla siyang manaksak.

Galit na galit na nagtanong si Edward kay Zweihänder, "Why did you do that, why'd yo—"

Flick!

Pinitik siya nang malakas sa noo ni Laevateinn. Nagulat si Edward at napahawak sa noo niya, nanlalaki ang mata hindi dahil sa sakit, ngunit sa pagkalito.

"Are you calm now?" tanong ni Lae.

Mas namula sa galit si Edward. "Pinitik mo akong gago ka tapos tatanungin mo kung kalmado ak—"

[Seven-Minute Semblance] GODSFORRENT & FIMBULWINTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon