Futhark.
16. August.
Monday, 2:15 pm.
San Lorenzo Police Station.HINDI KO INAASAHAN ANG MGA PANGYAYARI.
Nasa police station ako ngayon dahil sa brasong nakita naming tatlo sa basurahan sa gilid ng campus. Iniwan ko si Edward kasama ni Joyeuse para bantayan ang mismong basurahan, dahil hindi ko alam kung anong magiging hitsura namin kung pupunta kaming tatlo sa police station nang may bitbit na braso ng tao.
Naghintay pa ako nang ilang minuto bago ako kausapin ng isang pulis, dahil mukhang sila mismo ay maraming pinagkakaabalahan. Kanina pa nagpapabalik-balik ang ilang pulis, 'yung iba may kausap sa mga radyo nila.
"Ano kamo ang ire-report mo?" tanong sa 'kin ng isang pulis, habang humahanap ng dokumentong susulatan ng report. Ngumiti siya sa 'kin kahit na halatang nakikihati lang ako sa atensyon niya.
Bago pa man ako makapagsalita ay may isang babaeng naka-uniporme, may hawak na folder, at may magandang mukha ang nagmamadaling lumapit sa lamesa ng pulis na kausap ko at nagsabing, "We have another clue."
"Clue?" tanong ng pulis. Nagkunwari akong hindi naririnig ang usapan nila at ibinalin ang atensyon ko sa electric fan at sa nakaplakeng pangalan ng pulis na kausap ko. Jude Diaz. Police Officer 3.
"A trusted source texted me. They found a limb, and he told me he has identified where the owner of the limb worked. Malaki ang tsansa na konektado ito sa iba pang parte ng katawang nakita nating nagkalat sa San Lorenzo."
Napalingon ako sa sinabi ng babaeng sumugod. "M-May nakita din po kaming braso!" bulalas ko sa kanila. "'Yon po ang dapat kong ire-report—"
"Saan at kailan n'yo nakita?" tanong ni Officer Jude.
"Sa gilid po ng Coronado University, kani-kanina lang po."
"That's where we're headed." Iniabot ng babae sa 'kin ang kanyang kamay. "I'm Inspector Cassandra Aragon. I'm assigned to investigate this case. Please come with us."
••• GODSFORRENT •••
HINDI UMALIS SINA EDWARD AT JOYEUSE sa tapat ng basurahan, at nagulat akong hindi sila nag-away o nagsapakan. Tahimik lang silang nakaupo sa sidewalk, nakatitig doon sa garbage bag at malalim na nag-iisip. Si Edward ay nagse-selpon habang nagtatakip ng ilong.
Pagkababa ko mula sa sasakyan ng mga pulis at nang makita ako nung dalawa ay kaagad silang tumayo. Humigpit ang pagkakatikom ng bibig ni Joyeuse, na para bang sinasabi niya sa 'kin na, "Took you long enough."
Si Edward naman ay tumitig sa inspector na kasama ko. Kakababa lang ni Ms. Aragon mula sa sasakyan. Dalawang pulis na kasama namin ang kaagad na lumapit kina Joyeuse at Edward. Hindi na kinailangan pang magsalita pa ng kahit na sino sa kanilang dalawa dahil napadapo lang ang tingin ni Joyeuse doon sa garbage bag ay kaagad na itong binuksan ng isang pulis.
BINABASA MO ANG
[Seven-Minute Semblance] GODSFORRENT & FIMBULWINTER
Mystery / Thriller[Soon to be published!] When the tissue papers of destiny and an unexpected murder case bring them together, college students Edward, Futhark, Joyeuse, and Laevateinn try their best to solve the crimes that come their way. But things get complicated...