Futhark.
17. August.
Tuesday, 3:00 pm.
Coronado University.NAGKATAON NA NAGKITA KAMI NI ZWEIHÄNDER. Pagbalik ko sa Coronado University kanina, nakita ko siya sa tapat ng Theater Club.
"Kuya Zweihänder," tinawag ko siya, dahil may sinisilip-silip siya sa clubroom ng Theater Club. Nakisilip ako. "Ano pong sinisilip nʼyo?"
"Yo, Joyeuse," bati ni Kuya Zweihänder habang nakasilip pa din sa maliit na puwang sa bintana.
"Ako po si Futhark?" pagtatama ko sa kanya.
Napatingin siya sa ʼkin nang ilang segundo at napatawa pagkatapos. "Ikaw ʼyung Psychology! Oo nga pala, ʼyung nag-iisang mabait. Mukha kang high school sa backpack mo—anyway, anong ginagawa mo rito?"
"Galing po kami kanina sa newsroom, hinahanap ka po ni Kuya Ichaival."
"Sinabi niya ba sa ʼyo na tigilan mo na ang pagtawag sa ʼkin ng kuya dahil nasasaktan ako at ang napakabata kong edad?" nakangising saad ni Zweihänder, habang palihim na numanakaw ng tingin sa bintana ng clubroom ng Theater Club.
Nasilip ko mula sa loob ang isang babaeng club member. Sobrang haba ng buhok niya, parang dyosa. "May girlfriend po ba kayo na taga-Theater Club?" napatanong tuloy ako.
Matinis na tumawa si Zweihänder. "Bakit mo naman nasabi ʼyan? Parang edad lang ang pinag-uusapan natin, ah? Hinahanapan mo na rin ako ng forever? HAHAHA—ʼwag mong sasabihin sa Coronado Chronicles, lalo na kay Val," inakbayan ako ni Kuya Zweihänder at dahan-dahan kaming naglakad palayo sa clubroom, "wala akong girlfriend kahit na mukha akong artista, alam kong mahirap paniwalaan at sayang ang kagwapuhan ko, pero ʼwag mong sasabihin kahit kanino na nakita mo akong nagpunta sa Theater Club, ha?"
Seryosong-seryoso ang tono ni Zweihänder kaya napatango na lang ako. May kinalaman kaya ʼto sa sinasabi niyang kinidnap ng Theater Club ang adviser ng Coronado Chronicles? Pakiramdam ko ay hindi ʼyon ang pinunta niya dito.
Hindi ko makita ang mukha ni Zweihänder dahil nakakahiyang tumingin, lalo na't nakaakbay siya. Hindi ko mabasa ang facial expression niya. Anong meron sa Theater Club?
"Bakit ka nga pala napunta sa newsroom?" tanong ni Zweihänder. Inialis na niya ang pagkakaakbay niya sa ʼkin at hinarap ako.
"Hinahanap po kasi namin kanina si Laevateinn, kaya nagpunta kami sa Coronado Chronicles. Itatanong po sana namin sa inyo ang full name niya."
"Mm-hmm, eh binigay lang namin kay Sir Lukas ʼyung tissue paper para doon sa isa nʼyong ka-member." Nagkrus ng braso si Zweihänder at nag-isip sandali. "Nahanap nʼyo naman ba ʼyung Laevateinn?"
"Opo, kasama na niya sila Edward."
Nalayo sa ʼkin ang tingin ni Zweihänder at siningkitan niya ng mata ang isang naglalakad sa may hagdan. Sinundan ko din ng tingin ʼyung professor na naglalakad.
BINABASA MO ANG
[Seven-Minute Semblance] GODSFORRENT & FIMBULWINTER
Mystery / Thriller[Soon to be published!] When the tissue papers of destiny and an unexpected murder case bring them together, college students Edward, Futhark, Joyeuse, and Laevateinn try their best to solve the crimes that come their way. But things get complicated...