[ VIII- She's Back ]

1.7K 61 2
                                    

8.She's back

Mark Daniel (POV)


"L-long time no see, Mark." sabi ni Alliana at ngumiti.

I didn't got to smile back. I was shocked. Totoo ba 'to? Student Teacher namin siya?


"S-so you're back." gulat ding sabi ni Louisse.


"Gulat ka, noh?"

"Hmm.. Yes but that's because of your face." mataray na sabi niya.

Hindi sila ganyan dati. They were the best of friends but because of jealousy and insecurity, their friendship vanished.

Inagaw kasi ni Louisse ang pagiging Queen Bee ni Alliana noon and pinag- kalat na may s3x scandal si Alliana sa isang fourth year.

Iyon ang dahilan kung bakit nasira ang reputasyon ni Alliana.

"Traydor."

Narinig kong sabi nalang ni Alliana.. Masyadong mabait si Alliana kaya kahit na tinraydor siya ni Louiise, mahal niya parin yan.

*RING*

Dismissal. Umayos ako at sinabayan ko si Yana (Alliana).

"Yana! Anong nangyari sayo? Bakit ang tagal mong hindi nagpa-ramdam?"

"Mark.. Wag kang magagalit.."

"Bakit naman ako Magagalit?"

I asked. Nagtataka ako kung ano yung sasabihin nya. Wag Please. Hindi sana.

Pero sinabi nya ang mga salitang yon. Ang mga salitang alam niyang ikakasakit ko.

Van (POV)

Inayos ko ang kwelyo ko bago pumasok sa Hospital Room ni Cheska.

Napangiti ako nang makitang payapa na siyang natutulog.

Pinagmasdan ko siya. Kahit na lagi mo akong pinagtatabuyan, nandito lang ako. Ililigtas kita kahit anong mangyari.

Pumasok na ako sa school at nakita kong ang daming tao sa tapat ng room namin.

Ang akala ko tumigil na siya.

Akala ko nagtapos na kay Cheska ang lahat. Pero mali ako. Mas lumalala siya.

Naabutan kong Sinasako ng Pulis ang mga Patay na Katawan. 2 lalaki 1 Babae. Hindi ko na nakilala pa ang mga yon.

"Van, halika dito."

Nagulat ako nang tawagin ako ni Detective Reigne. Ang isa sa nag-iimbestiga sa kaso sa Univeristy. Sana may nakuha na siyang Ebidensya.

"May lead na kami sa mga nangyayari sa Fiberson."

She paused for a while. May lead na?Magsasalita na sana ako pero bigla nya akong Inunahan.

"Pero madami sila. And I'm sure of that. Hindi sila basta-basta dahil hanggang ngayon hirap parin kami sa pag-hanap ng ebidensya. May tumatakip sa mga ginagawa nila dito sa Univeristy."

Bago pa ako makapag-salita ulit ay iniwan na niya ako at bumalik sa ginagawa niya.


Wala akong nagawa kundi maglakad papunta sa room.



Gusto ko malaman kung sino ang Killer.

Pero parang hindi ko kaya..




Alam kong masasaktan lang ako.




Dahil baka isa sa mga kaibigan ko iyon.


Namataan ko ang ilang pulis sa baba.



Lagi silang ganyan. Lagi silang huli at hindi man lang sila maka-kuha ng ebidensya. Dumadating kung kailan hindi na kailangan. Pinapalabas nilang malinis ang Unibersidad na ito.



Makasarili silang lahat. Wala man lang silang pakielam sa amin. Hindi kami mabigyan ng Hustiya.





Pumasok ako sa Classroom. Imbis na makiramay sila ngayon, nag-iingay pa!



Aba! Grabe sila, May namatay na nga tapos ganyan pa sila? Mga walang puso.

Hindi ko din sila maintindihan. Ang akala ko kilala ko na sila ng mabuti pero hindi pa pala.


Hindi sila natinag kahit pumasok ako at hinampas ang teacher's desk.



"Ano ba!? Ganito nalang ba kayo?!Wala ba kayong puso?! Guys, May namatay na! Sa classroom pa natin galing!"


Natahimik sila sa sigaw ko.


"Bakit? Mapipigilan ba namin sila? Gusto mo bang kami ang mamatay?" Victor said.




Sila?



'Pero madami sila. And I'm sure of that.'



Naalala ko ang sinabi ni Detective. Ibig sabihin hindi lang isa?


"Kahit na! Hindi dapat kayo ganyan. Guys, akala ko ba pamilya tayo? Bakit tayo tayo nalang din ang nagsi-siraan at nagpapatayan?" I said.


"And what? We all cry? Van, think again!"



Di ko nalang siya kinausap hindi dahil mali ako kundi dahil wala na nga akong dahilan.




Pumasok si Alliana sa amin. Umirap si Louisse pero nanahimik din. May kaunting takot at respeto na sila kay Alliana dahil student teacher na namin ito.

Napaisip nalang ako. Hindi ko akalaing mayroong mag ta-traydor sa amin. Alam kong merong hindi nagkaka-unawaan sa amin pero hindi ko akalain na aabot sa ganitong sitwasyon. Siguro nga dapat ay hindi muna ako masyadong nagtiwala.

At ngayon alam ko na.

Madami sila.

Bakit? Bakit nagka-isa silang ganituhin kami?


At mas kailangan kong mag-ingat doon. Napatingin ako sa pintuan at nakita kong nakandungaw sa Classroom namin si Andrei.

Hmm..

Ang alam ko taga-Fragile siya ah?Bakit siya nandito?


Posible kayang isa siya?


Napatignin naman ako sa buong klase at napansin kona hindi kami kumpleto.


Sh1t.



Nakakaramdam ako ng panganib.




Huwag naman sana.

Mystery Class (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon