Chapter 3: This Freak :P

1.4K 17 0
                                    

Chapter 3: this freak

Megan POV:

Ang ingay naman.

Nasira tuloy yung maganda kong panaginip.

Humanda sa akin yun kapag nakilala ko kung sino yung naka check in sa kabilang kwarto.

Lumabas ako nang room ko

At tinungo ko ang room 1111 kasi siya lang ang katabi kong room.

Kasi ang nasa left side ko is stairway kaya saan ang maingay kundi sa right side.

Nakakainis naman nakakabulahaw siya huh.

Kinatok ko ang pintuan as in yung padabog.

“ hoy buksan mo ito.” Sigaw ko dun.

“ sabi nang buksan mo ito.” Sigaw ko pa din dun at halos gibain ko na yung pintuan.

Nung balak ko na sana umalis para kumuha nang ipanggigiba ko sa pintuan ay biglang bumukas ang pintuan.

“ ano bang problema mo?” narinig kong sigaw niya.

Napaharap ako.

“ ano ang problema ko ikaw ang problema ko.” sigaw ko at tinignan ko siya.

Nagtama ang mata namin.

“ IKAW!!!!!” sigaw namin pareho.

“ Sinusundan mo ba ako?” sabay naming tanung.

Nung nagtama ulit ang mata namin ay pareho kaming nagiwasan.

Sinusundan siya? Baliw ba siya?

“ Nagpapatawa ka ba?” sarcastic kung tanong.

“ bakit mukha ba akong clown?” singhal niya sa akin at take note huh nakataas pa yung kilay niya.

“ oo, mas masahol pa sa clown yung mukha mo!” sigaw ko sa kanya tama ba naman pilosopohin yung tanong ko.

“ sumosobra ka na huh, una dun sa coffee shop hindi mo ba alam kung paano ako nagmukhang tanga dun.” galit na sigaw niya sa akin.

“ bakit kasalanan ko ba kung magmukhang tanga ka dun, bakit hindi ka na lang umalis at stay ka pa dun sa center.” Mataray na sabi ko sabay smirk.

Nakita kung parang nagulat siya.

Bakit first time lang ba siya makakita nang magandang babae na nagsmirk?

Kawawang nilalang naman siya.

“ are you gay?” tanong niya sa akin.

“ ano? Sabi mo?” sigaw ko sa kanya.

“ sayang maganda ka pa naman pero bingi pala, Useless.” Sabi niya tapos nag smirk siya.

Naramdaman ko lahat nang dugo ko sa katawan umakyat sa utak ko.

This damn freak!

Ano sabi niya sa akin “Useless”?

Fuck him!

“ For your information mister, hindi ako useless may pakinabang ako dito sa mundo, sa tingin ko ikaw pa ata itong useless eh.” Sabi ko na nakataas ang isang kilay.

“ sa tingin ko miss hindi mo nagets ang gusto kung iparating.” 

Tinignan ko siya nang masama.

“ ano tingin mo sa akin SLOW?”

“ parang ganun na nga.” Calm na sabi niya.

Naiinis na talaga ako dito sa lalaking ito.

A Secret Affair (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon