Chapter 20
Shinee POV:
hawak hawak ko ang kamay ni dad, pina admit na namin dito siya at ngayon nasa private room na kami. Critical ang kalagayan ni daddy ngayon. He’s in Coma. Hanggang ngayon tinatanong ko pa din ang sarili ko kung nanaginip pa din ako. para akong nasa bangungot sa nangyayari sa akin ngayon. Namatay si Ate at Comatose si daddy.
Ano ba ang nangyayari sa pamilya namin. Buong magdamag kong binantayan si daddy kahit isang segundo hindi ako umalis sa tabi niya dahil baka magising na siya kahit napaka imposible.
“Shinee, kumain ka na.” yaya sa akin ni Ryan, lumabas siya para bumili nang pagkain at umuwi sa bahay para kumuha nang ilang damit.
“wala akong gana, babantayan ko pa si daddy.” Sabi ko. di ko mapigilan ang mga luha na pumapatak ngayon sa mata ko.
“you should eat Shinee, buong magdamag ka nang walang kain. Kakagaling lang natin sa byahe.” Sabi niya at hinawakan ang mga balikat ko.
“Ryan.” tawag ko sa pangalan niya, tumingin naman siya sa akin.
Pinahid niya ang mga luhang lumalandas ngayon sa pisngi ko.
“what Shinee?” tanong niya sa akin. Tinignan ko ang mukha niya.“Hindi mawawala sa akin si Daddy diba?” tanong ko sa kanya, hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako. nagiging emotional kahit hindi naman dapat.
“shhhhh, don’t cry Shinee. hindi mawawala si Dad he’s strong at alam niyang naghihintay ka para sa kanya. Don’t lose hope, Trust the doctor okay?” pag cocomfort sa akin ni Ryan. Niyakap ko nang mahigpit si ryan.
“I don’t know ryan, natatakot akong mawalan nang pamilya. Wala na si mommy pati si ate, I don’t want to lose daddy.” Umiiyak na sabi ko sa kanya.
“Shhhhh, hindi mawawala si dad. You Should eat now Hon, magagalit si dad niyan na nagpapalipas ka nang gutom. Mamaya ikaw naman ang magkasakit.” Sabi niya habang hinihimas ang likod ko.
Bumitaw ako nang yakap sa kanya at tinignan ang mga mata niya, siya naman pinapahid ulit ang mga luha ko.
“kumain ka na Shinee.” sabi niya at hinarap ako sa lamesa kung saan may nakabalot na pagkain dun.
Kumuha siya nang plato pati na rin spoon and fork. Binuksan ko ang nakabalot na pagkain at pagbukas ko nun ay tumabad ang fried chicken. Hindi ko alam kung bakit parang nabahuan ako sa amoy nang fried chicken at napatakip ako nang ilong.
“what’s wrong Hon?” tanong ni ryan sa akin.
“yung amoy nung fried chicken ang baho.” Sabi ko, kinuha naman ni ryan yung pagkain at inamoy.
“hindi naman huh.” Sabi niya at tinignan ako.
“mabaho talaga eh.” Sabi ko at biglang parang nasusuka ako.

BINABASA MO ANG
A Secret Affair (Season 2)
Romancethis is the next season of A Secret Affair Season 1 pero mas maganda kung basahin niyo muna yung previous season para maintindihan niyo yung plot nung story. Megan and Shinee life is peaceful at last pero hindi pa pala ito ang huli para sa kanila da...