CHAPTER 16

1K 12 0
                                    

CHAPTER 16

Author’s Note: eto na ang Chapter 16 whahaha XD well bibigyan ko kayo nang kilig vibes whahhaa XD)

Enjoy this Chapter Guys,

Don’t forget to vote if it deserve

And leave your feedback if you want.

Sky POV:

Pagkatapos namin kumain sa pancake house ay sinamahan naman ako ni Austin pumunta nang department store para mamili nang mga bago kong damit.

“andami-dami mo nang damit, bibili ka nanaman.” Pang-aasar sa akin ni Austin.

“eh gusto kong bumili eh, saka may balak akong ibenta yung mga luma kong damit.” Sabi ko naman.

“ibebenta? Bakit?” tanong naman niya.

“oo nga pala hindi mo pa alam, me charity kasi akong tinutulungan dito sa pinas. Ibebenta ko yung mga luma kong damit tapos yung pera ibibigay ko as donation dun sa tinutulungan kong charity.” Nakangiti kong sabi sa kanya.

“ang bait huh, gusto mo tulungan kita sa pagbebenta nang mga damit huh. Tapos dalaw tayo dun sa charity na tinutulungan mo, ano nga pala name nun sky?” tanong naman niya.

“sweet Angels ang name nung charity na tinutulungan ko, dun dinadala yung mga batang wala nang ina, o di kaya yung mga iniwan lang kung saan saan.” Sabi ko sa kanya habang nagtitingin tingin nang damit..

“ahh! Punta tayo dun huh sky.” Sabi naman niya.

Napangiti naman ako nun, syempre hindi niya nakita eh nakatalikod ako sa kanya at nagtitingin nang mga damit eh.

“sige, kailan? Bukas?” tanong ko naman.

“after mo mamili nang damit, dalaw tayo dun.” nakangiting sabi niya. Napangiti naman ako dun.

Ilang shopping bags na din ang bitbit ni Austin, syempre inako niya yung bitbitin ko, syempre dahil nagalok siya edi binigay ko na whahha XD

“tara punta tayo dun sa infant section.” Sabi niya at hinawakan ang kamay ko at hinila ako papunta dun sa infant section.

Feeling ko nagblushed ako pero tumungo ako mamaya makita pa niya at asarin nanaman ako eh, kinikilig nga ako eh! Ikaw kaya hawakan nang taong mahal mo.

Binitawan na niya yung pagkakahawak sa kamay ko.! sayang bakit mo binitawan Austin.

“ano bang ginagawa natin dito sa infant section, don’t tell me may anak ka na?” tanong ko, malay mo may anak na siya diba kaya tumingin tingin dito.  Para may biglang kumirot sa puso ko nung isipin ko yun.

Humarap siya sa akin at pinitik ang noo ko.

“aray!.” Napasigaw tuloy ako nakita ko napatingin sa amin yung mga tao na nagtitigin sa infant section.

“ang ingay mo naman.” Sabi niya at ngumiti.

Sinuntok ko siya nang mahina sa balikat niya.

“eh pitikin daw ba ako sa noo?” sarcastic kong sabi.

“eto galit agad, para sabihin ko sayo Sky Smith. Wala pa akong anak no!” sabi niya at nakangiti sa akin.

“eh bakit nandito tayo sa Infant section?” tanong ko well aaminin ko medyo sumaya ako dun whahaha XD

“diba nga dadalaw tayo dun sa Sweet Angels, bibili ko lang sila nang pasalubong.” Nakangiti na tinignan ako ni Austin.

Napatititig ako sa kanya, hanggang ngayon mahal ko pa din siya. Bakit hindi man lang nagbago yun? Masyado ba akong loyal sa kanya.  dapat may award na akong makuha eh.. hmmm kainis! Kailan kaya magiging kami?

A Secret Affair (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon