CHAPTER 18
Sky POV:
“ Ma’am nagawa na po namin yung pinag-uutos ninyo.” Sabi sa akin ni Bogart, isa sa mga inuutusan ko kapag may gusto akong burahin.
“good, sigurado ba kayong malinis ang pagkakagawa niyo?” mataray na tanong ko sa kanya.
“opo ma’am, tiniyak po namin na malinis ang pinangyarihan.” At binato ko sa kanya yung tseke.
“oh ayan buo na ang bayad ko sa inyo at tandaan niyo yung bilin ko kapag nagkahulihan na alam niyo na!” sabi ko at tumungo naman sila.
“siya, layas na.” utos ko at umalis na si Bogart.
Kinuha ko ang baso na may lamang juice at nag sip sa straw. Sa wakas nakaganti na din ako sayo Megan. Nakakalungkot lang dahil hindi ka nagtagal dito sa mundo. Kailangan na kitang ligpitin, masyado kang sagabal para mapasakin si Austin. Hanggang nandito ka pa sa paningin namin ni Austin, hindi niya magawang makita ako.
Nagbabad lang ako sa araw, kinuha ko ang cellphone ko at idial ang number ni Austin.
Nakailang ring na bago niya sagutin ang tawag ko.
“hello” sabi ko sa kabilang linya
( Hello, oh Sky bakit ka napatawag?)
“ wala lang, namimiss lang kita. Pwede ka bang pumunta ngayon dito?” malambing kong tanong
( saan ba yan?)
“Puerto galera.” Sabi ko.
( wow, pa Puerto Puerto nalang huh! Oh siya sige pupunta ako dyan gusto ko din mag relax eh)
Napangiti naman ako.
“ok sige, tawagan mo nalang ako kapag andito ka na sa Puerto galera! Bye.” Sabi ko at binaba na ang phone.
Hmmm I smell victory! Hahahaha *Evil Smile*
Shinee POV:
Andito na kami sa pilipinas, hanggang ngayon hindi ko pa din matanggap ang katotohanan na patay na si Ate.
Sa buong byahe namin Ryan, hindi nanamin nagawang magusap. Pareho kaming tahimik at walang kibo sa isa’t-isa.
Sa ngayon papunta na kami sa ospital, kasi ipapa autopsy ang bangkay ni ate.
Pagka park nang kotse ni Ryan ay lumabas na ako kaagad. Hindi ko na hinintay si Ryan makababa.
Dumeretso ako kaagad sa laboratory kung nasaan ang bangkay niya. Pagkakita ko nun ay bigla akong napaiyak.
Naramdaman ko nalang ang yakap sa akin ni Ryan kaya naman yumakap ako sa kanya nang mahigpit.
Halos hindi na makilala ang bangkay ni ate kasi sunog na ito, kaya nalaman na siya yun dahil sa ilang papeles na nandun sa kotse at identification card niya.
BINABASA MO ANG
A Secret Affair (Season 2)
Romansathis is the next season of A Secret Affair Season 1 pero mas maganda kung basahin niyo muna yung previous season para maintindihan niyo yung plot nung story. Megan and Shinee life is peaceful at last pero hindi pa pala ito ang huli para sa kanila da...