Chapter 8
Author’s Note: Sorry guys kung ngayon lang ako nakapag update, nagkasakit kasi ako this past few days and busy sa school. Thank you very much sa lahat nang bumabasa nang story ko kahit hindi ko na masyado nauupdate.
Enjoy this Chapter guys
Don’t forget to vote if it deserved
And also you’re feedback.
Sky POV
Pagkatapos nang iyakan portion ko ay nagpaalam ako sa kanya na magsi-Cr muna ako kasi kailangan ko nang magretouch.
Pagpasok ko sa Cr, bumungad sa paningin ko ang magandang mukha ni Princess Sky Smith.
Kaso yung mascara ko ay nagkalat na sa gilid nang mata ko dahil nga umiyak ako.
Sa susunod bibili na ako nang Waterproof na mascara, para hindi niya na mabawasan ang kagandahan ko. Chos!!
Naghihilamos na ako nun nung tumingin ulit ako sa salamin at biglang bumalik ang masalimuot kong nakaraan.
Flashback
“ Hoy Babae!” tawag sa akin nang tatay ko, lagi nalang siyang lasing kapag umuuwi nang bahay.
“ bakit po?” tanong ko naman.
Tinaas niya ang kanyang kaliwang kamay at bigla sa aking hinampas.
Napaupo ako at napahawak sa ulo kung saan tumama yung hampas niya.
“ aray ko.” mahinang bulong ko habang hinihimas ko yung ulo ko, lagi nalang siyang ganyan hinahampas o kaya binubugbog ako nang walang dahilan. Hindi ko tuloy mapigil yung luha na lumalandas sa aking mga mata ngayon.
“ tumayo ka dyan, ipaghanda mo ako nang makakain!” sigaw niya sa akin habang hinila yung kamay ko para itayo ako pero hindi yung gentle na paghawak, kulang nalang mabanat na yung buto ko sa lakas nang pagkakahila niya sa akin.
“ aray ko po!.” Bulalas ko kasi masakit na. halos araw araw nakakaranas ako nang pangmamaltrato niya sa akin. Lagi din siyang naglalasing.
“ nasasaktan ka? Kulang pa nga yan sa lahat nang sakit na dinanas ko dyan sa magaling mong ina!” singhal niya sa akin, nanlaki ang mata ko kasi binanggit niya ang mama ko.
“ dinanas? Akala ko po ba namatay siya?” tanong ko kasi ang pagkakasabi niya sa akin ay patay na daw ang mama ko nung pinanganak niya raw ako. pero sa sinasabi niya ngayon parang pinapalabas niya na buhay ang mama ko.
“bakit hahanapin mo siya? Iiwanan mo ako katulad nang ginawa niya sa akin?” sigaw niya sa akin at hinawakan niya yung wrist ko nang napakahigpit halos mapasigaw na nga ako sa sakit eh.
“ aray ko po itay, hindi ko po gagawin iyon.” Sigaw ko, pero mahigpit pa din ang pagkakahawak niya sa akin. Feeling ko any minute hihiwalay na ang buto ko sa balikat ko.
“ alam kong iiwan mo ko katulad nang ginawa niya, ganyan naman kayo eh!” at inabot niya yung tubo dun sa gilid.
“ wag po itay!” sigaw ko at halos mapaos na ako kakasigaw sa sakit kasi pinaghahampas niya ako nang tubo. Iniiwasan ko yung mga palo niya at minsan sinasalag ko nang kamay ko.
“ ah umiiwas ka pa huh!” tumingin siya sa paligid at nakita kong nakakita siya nang tali at kinuha niya iyon, hinawakan niya ako at pinipilit kong pumiglas pero masyado siyang malakas at tinalian niya ang kamay ko sa isang bagay na pwede niyang pagtalian.
(pasensya na hindi ko alam ang tawag eh.)
Tinalian niya din ang paa ko at para akong bihag nang isang lunatic na lalaki. Nang matali niya na ako at hindi na makagalaw ay saka niya dinampot yung tubo na kanina hawak-hawak niya at sabay hinampas yun sa paa ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/6230623-288-k699788.jpg)
BINABASA MO ANG
A Secret Affair (Season 2)
Romancethis is the next season of A Secret Affair Season 1 pero mas maganda kung basahin niyo muna yung previous season para maintindihan niyo yung plot nung story. Megan and Shinee life is peaceful at last pero hindi pa pala ito ang huli para sa kanila da...