CHAPTER 7
Author’s Note: Thanks po sa lahat nang bumabasa nang ASA at malapit na tayo mag 3k reads, kahit hindi masyado marami di katulad nang story nang bestfriend ko na 11k reads na ok lang. paki like na din po ang official fan page nang ASA .. I hope hindi kayo naguguluhan sa kwento, kahit napaka complicated nang story wala pa po kayo sa climax nang story, nagsisimula pa lang po. Andami pa pong revelations at mangyayari, kaya sana abangan ninyo.
Enjoy this chapter guys
Ryan POV
(ngayon lang ulit siya nagkaroon nang POV dito sa Season 2)
Kumakain kami sa Mcdonalds ngayon ni Shinee.
Tahimik lang kaming dalawa, walang nagsasalita.
Sinulyapan ko siya nang tingin, mukhang malungkot siya at walang ganang kumain.
Nilalaro niya kasi yung spaghetti gamit yung plastic fork niya.
“ wala ka bang gana?” di na ako nakatiis na tanungin siya, hindi kasi yan ganyan
Masyadong lively ang shinee na madalas kong kasama sa mall.
“ huh? Oo biglaan nga eh.” Sabi niya habang nakangiti.
“ mukhang malalim yung iniisip mo, ano ba yung iniisip mo? Yung tungkol ba dun kanina?” baka kasi yun pa rin yung iniisip niya.
“ hindi, iba yung iniisip ko.”
“ ano bang iniisip mo talaga?” tanong ko ulit.
“ iniisip ko lang sila mommy and daddy.” Walang ganang sabi niya.
Oo nga pala may problema nga pala ang parents nila Shinee, hindi ko nga din alam kung ano yun. Saka nagulat din ako kasi biglaan.
Nung wedding namin nila Megan medyo maayos pa silang dalawa pero after nun hindi ko na alam.
Kwento ni Shinee sa akin na hindi naman daw sinasabi ng parents niya kung ano yung problema.
Nasabi na din ni Shinee sa akin na bumalik na daw nang manila si Megan pero kala tito siya nagsta-stay.
“ wag mo nang isipin yun.” Sabi ko sa kanya.
“ hindi naman kasi maiiwasan na hindi ko isipin yun, syempre parents ko sila. Naaapektuhan din kaming dalawa ni ate.” Malungkot na paliwanag niya.
“ malay mo kailangan lang nila nang space.”
Tumingin si Shinee sa akin.
“ kasi baka may misunderstanding silang dalawa.” Dagdag ko.
Nakita kong napabugtong hininga siya.
“ Shinee, about dun kanina yung tungkol kung may chance pa na ikasal tayong dalawa.” Nakita kong tumingin ulit siya.
“ may chance naman eh, kaso hindi pa ngayon dahil---”
“ dahil kay ate? Alam ko naman yun Ryan, saka wag kang mag-alala makakapaghintay naman ako eh. Gusto ko lang dumating tayo sa punto na ikakasal tayong dalawa.” Hinawakan niya yung kamay ko.
“ ako din Shinee, gusto ko din dumating tayo dun. kaya Shinee please wag kang bumitaw, kumapit ka lang.” sabi ko sa kanya na nakangiti.
“ oo Ryan, I will.” Nakangiti din na sabi niya.
-------****
Pagkatapos namin kumain ay pumunta kami sa Tom’s World.
Naglaro lang kami nang basketball.
![](https://img.wattpad.com/cover/6230623-288-k699788.jpg)
BINABASA MO ANG
A Secret Affair (Season 2)
Romancethis is the next season of A Secret Affair Season 1 pero mas maganda kung basahin niyo muna yung previous season para maintindihan niyo yung plot nung story. Megan and Shinee life is peaceful at last pero hindi pa pala ito ang huli para sa kanila da...