CHAPTER 14
Author’s Note: Salamat sa suspension at nakagawa nang update, dapat next week pa dahil nga birthday ko na sa Sunday kaya naman dapat no update. Pero dahil mabait ang nasa itaas kaya nakapag update na. Sa totoo lang pasensya na kung medyo mabagal ang paguupdate ko sa A Secret Affair, at naunahan pa ako nang bestfriend ko na macomplete yung kanya actually 90 Chapters siya to be exact dahil tig 30 chapters and isang Season. 3 Season ito kaya naman 90 Chapters ang total. Nasa Chapter 44 pa lang tayo. 46 chapters to go pa at macocomplete na din ito. Salamat nga po pala sa lahat nang nagbabasa nang kwento ko, medyo matured na ang kwento na ginawa ko. kasi inapply ko sa realidad pero binabasa pa din kaya maraming salamat. Amateur pa lang po ako at hindi ako ganun kagaling sa pagsusulat nang kwento pero I try my best to make my story more interesting to the readers and also to some authors.
Don’t forget to vote it if deserved
And leave your feedback if you want
Thank you !
Enjoy this chapter guys.
Marco POV:
Lumapit ang secretary ko sa tabi namin ni Cynthia
“ Sir, pinapatawag po kayo ni Mama niyo.” Sabi niya sa akin.
Ako pinapatawag ni mama? Ano naman kaya ang dahilan at bakit biglaan niya akong pinatawag?
“ ok sige susunod na ako.” nasabi ko nalang.
Nauna nang umalis ang secretary ko.
“ Cynthia, thanks for everything. I’m really wanted to stay and chat with you more but I have to go.” Paalam ko sa kanya habang nakangiti.
“ that’s okay, thank you din Marco. See you around.” At nag smile naman siya pabalik.
Tumayo na ako at kumaway sa kanya kaso biglang may naalala ako.
Tumigil ako bigla at tumakbo pabalik sa kanya.
“ oh? Bakit may- ” hindi niya na natapos yung sasabihin niya dahil kiniss ko siya sa cheeks.
Nakita ko namang nanlaki ang mata niya siguro hindi niya expected ang paghalik kong yun miski naman ako hindi ko din expected na halikan siya basta gusto ko lang.
“ bye.” Sabi ko habang naglalakad pa backward at nag wave nang kamay sa kanya habang nakangiti.
Nakita kong nakatulala pa din siya habang hawak hawak yung cheeks niya siguro nasa state of shocked pa yun.
Tumalikod na ako sa kanya at tinungo ang hotel room na tinutuluyan ko dito para makapagbihis nang desente para harapin si mama.
Nang matapos na akong magpalit nang pang business suit ay dumeretso ako sa office ko at nakita ko ang secretary ko.
Tinignan ko siya.
“ kanina pa po kayo inaantay nang mama niyo.” Sabi niya.
Pumasok ako sa loob at bumungad sa akin ang isang babae pero kung susumain mo hindi siya mukhang matanda, medyo malakas pa ang mama ko. sagana kasi sa exercise kaya naman ang katawan niya ay sexy pa din.
At medyo hindi pa ganun katanda ang mukha niya at hindi pa kulubot ang mga balat at hindi pa puti ang buhok.
Lumapit ako sa kanya at humalik sa cheeks.
“ ano ang ginagawa niyo dito mama?” tanong ko.
“ ganyan mo ba salubungin ang iyong ina?” tanong din niya.
“ I’m sorry mama, I just want to know bakit biglaan ang punta niyo dito sa hotel.” – ako
“ masama bang makita ang anak ko?” tanong niya sa akin.

BINABASA MO ANG
A Secret Affair (Season 2)
Romancethis is the next season of A Secret Affair Season 1 pero mas maganda kung basahin niyo muna yung previous season para maintindihan niyo yung plot nung story. Megan and Shinee life is peaceful at last pero hindi pa pala ito ang huli para sa kanila da...