CHAPTER 5
Megan POV
Pinarada ko na ang aking Porsche sa loob nang malaking bahay namin,
“ hello po senyorita.” Bati sa akin nang aming yaya.
“ hello, si daddy?” tanong ko naman
“ nasa loob po, Ma’am ipapasok ba namin itong luggage niyo?”
“ yes, ipasok niyo na yan medyo magtatagal ako dito.”
Pumasok ako sa loob at pumunta sa room ni daddy.
Pagkatok ko nung pintuan ay binuksan ko na ito at tumambad sa akin ang nakatalikod na katawan ni daddy, na nakatingin sa malayo.
“ dad.” Mahinang tawag ko.
Lumingon naman siya sa akin at nang Makita ako ay biglang may gumuhit na ngiti sa mga labi niya.
“megan.” Tawag din sa akin ni daddy.
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya, grabe medyo matagal na din nang huli kong Makita si daddy. I really miss him much.
“daddy, I miss you really much.” Sabi ko habang nakayakap sa kanya.
“ ako din, megan miss na miss na din kita.” Bumitaw siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong balikat.
“ kamusta ka na anak?” tanong ni daddy sa akin.
“ eto po okay lang ako.” nakangiti kong sagot sa kanya.
“ medyo nag-aaway pa ba kayo ni Shinee?” tanong niya ulit.
“ daddy, hindi na po kami nag-aaway ni Shinee actually close na po ulit kami.”
“ buti naman kung ganun, ayokong Makita na nagkakaaway kayong dalawa. Kayo nalang ang natitira sa akin.” Biglang nawala ang mga ngiti sa labi ni daddy nung sabihin niya iyon.
Kumunot ang noo ko, anong ibig niyang sabihin na kami na lang ang natitira sa kanya.
“ daddy what you mean? Saka ano ba talaga ang problema niyo ni mommy?” tanong ko sa kanya.
“ anak masyadong complicated ang mga bagay sa amin nang mommy mo.” Sagot niya.
“ kaya ba hindi niyo ito masabi-sabi sa amin?”
“ anak, sorry sa tamang panahon malalaman niyo din ang lahat.”
“ bakit sa tamang panahon pa? ano ba ang pinagkaiba nang ngayon sa tamang panahon? Saka daddy were ready kung ano man yung problem.” Sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
A Secret Affair (Season 2)
Romansathis is the next season of A Secret Affair Season 1 pero mas maganda kung basahin niyo muna yung previous season para maintindihan niyo yung plot nung story. Megan and Shinee life is peaceful at last pero hindi pa pala ito ang huli para sa kanila da...