Chapter 13

888 8 0
                                    

CHAPTER 13

Author’s Note: anyeonghaseyo, ginanahan akong mag-update actually susulitin ko na yung sembreak. Bukas ipupublish ko na yung update nang A Serial Killer Turn To My Lover . kaya sana basahin niyo guys.

I hope you like this chapter

Don’t forget to vote if it deserve

And leave your feedback if you like.

Enjoy guys .

Cynthia POV

Pumunta ako sa swimming pool area nang hotel kasi medyo mainit kaya naman feel kong mag swimming.

Pagdating ko dun ay binigyan ako nang coconut shell na may pineapple juice with mini umbrella, me ganito pa sila eh sosyal..

Umupo ako sa isang beach chair (sorry I don’t know kung ano tawag dun eh) tapos nang apply na ako nang lotion para hindi ako magkasunburn.

Habang nakaupo ako ay naiisip ko nanaman si Sky, hindi ko maiwasan na hindi mag-alala syempre dahil bestfriend ko siya at ang turing ko sa kanya ay kapatid na.

Naiisip ko lang na masyadong mapanganib ang gagawin niya lalo na yung plano niya kay megan, hindi maganda ako ang natatakot sa kanya dahil papatay siya nang isang tao. Pero hindi ko siya makumbinsi na wag nalang itong gawin, matigas ang ulo niya sakit sa bangs eh!

Biglang bumalik ang isip ko sa realidad kaya naman tumayo na ako at pumunta sa tabi nang pool, hinanda ko na yung sarili ko para mag dive.

Medyo malamig ang tubig at tama naman ito dahil medyo mainit ang panahon. Kaya naman nag swimming lang ako roon.

Biglang napatingin ako sa isang restaurant.

“ oh may restaurant pala dito.” Sabi ko sa sarili ko.

Tinignan ko ang kabuuan nang restaurant at may nahagip ang paningin ko.

Teka si Marco ba yun?

Tinignan ko maigi kung hindi nga ako nagkakamali.

And it super duper correct talaga.

“ si marco yun huh?” sabi ko ulit sa sarili ko.

Umahon ako sa pool at pinunasan nang towel ang katawan ko.

Lumapit ako sa kinaroroonan ni marco, pumasok ako sa loob nang restaurant at lumapit sa table niya.

“ hello Marco.” Bati ko sa kanya nang nakangiti.

Lumingon naman sa akin si marco at ngumiti.

“ Cynthia.” Bati niya sa akin.

“ nice to see you again.” Sabi ko sa kanya habang nakangiti.

“ same to you, I’m glad we met again.” Nakangiti niyang sabi .

Ngumiti din ako kay marco nung biglang may tumayo malapit sa kanya.

Tinignan ko yung babae, hindi ko alam na may kasama palang babae si marco.

Medyo maganda yung babae, mahaba yung buhok, ok yung eyebrows, eyelashes and kissable lips siya, pero hindi ko feel yung aura niya.

“ Shinee –“ tawag sa kanya ni Marco.

Shinee? medyo familiar sa akin yung pangalan. Teka saan ko nga ba yun narinig?

“ babalik na ako sa kwarto ko Marco, gusto ko nang magpahinga salamat pala sa pagkain at pati na din sa time.” Medyong maarte niyang sabi saka tinalikuran kami hindi na siya lumingon kahit tinawag siya ni Marco.

A Secret Affair (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon