CHAPTER 4: WELCOME BACK
AUSTIN POV:
“ Help me” mahinang pagkakasabi niya.
“ ano?”
“ bingi ka ba o sadyang tanga lang?” tanong niya sa akin.
“ sabi ko tulungan mo ko na buksan yung pinto nang room ko.”
At lumayo na siya sa akin.
“ may alam ka bang paraan para mabuksan to?” mataray na tanong niya sa akin
“ ahh.”
“ anong ahh?”
“ saglit lang nag-iisip pa nga ako eh.”
Tumingin ako loob nang room ko.
At nakita ko yung bintana.
“ nakabukas ba yung bintana sa room mo?”
Hinawakan niya yung baba niya na parang nag-iisip.
“ ahh oo!” sabi niya sa akin at nakangiti pa.
“ alam ko na!”
“ anong alam mo na?”
“ alam ko na kung paano mabubuksan yung pinto nang room mo.”
Pumasok ako sa kwarto ko at pumunta dun sa bintana.
Sinilip ko yung katabing bintana.
Bukas nga pero anlayo naman.
Tinignan ko din yung baba grabe nakakalula, ang taas.
Paano ko maaabot yung kabila edi parang isasacrifice ko yung buhay ko.
“ ano?” nagulat ako dahil nagsalita siya.
“ ang layo hindi ko abot.” sabi ko at napakamot ako nang ulo.
“ anong gagawin natin?” tanong niya na nakataas pa yung kilay.
“ edi hintayin mo nalang yung bukas.”
“ saan naman ako matutulog aber?”
“ edi dito.”
“ ano dito? Are you insane?” tanong niya sa akin.
“ may choice ka pa ba?”
Nakita kong nanahimik siya.
BINABASA MO ANG
A Secret Affair (Season 2)
Romancethis is the next season of A Secret Affair Season 1 pero mas maganda kung basahin niyo muna yung previous season para maintindihan niyo yung plot nung story. Megan and Shinee life is peaceful at last pero hindi pa pala ito ang huli para sa kanila da...