Chapter 7

35.6K 661 20
                                    

[Chapter 07]

"Mommy where are we going?" Tanong ni Dariel habang inaayos ko ang sapatos na suot niya. Nakasalpak pa sa bibig niya ang gummy bear na kinakain niya.

"Today is your Granny's birthday baby."

"Really? Do we have a gift for Nanny?" Excited na tanong niya. Mabilis naman akong tumango at inabot sa kanya ang regalong nasa loob ng bag ko.

Dariel loves giving and receiving gifts. Gustong gusto niya kapag siya ang nagbibigay ng regalo dahil pakiramdam niya ang bait bait niya. Natutuwa rin siya kapag napapanood ang nga reaksyon ng taong pinagbibigyan niya ng regalo.

"Let's go, Daddy's waiting outside." I held his small bag and his tiny hands. Busy parin siya sa pag nguya ng kanyang gummy bears habang pababa kami ng hagdan.

I wore a nude cold shoulder maxi dress. I have a little bag hanging on my shoulder. I also put light make up to bring colors on my pale face.

Naabutan ko si Darwin na naghihintay sa labas. He was leaning on his car's hood while tapping his fingers on the screen of his phone. Nalimutan kong nasira nga pala ang screen ng phone ko, maybe I'll make it fix one of this days.

"Daddy Let's go to Granny!" Nilingon ni Darwin ang anak at tumango dito. Tila tinusok naman ang puso ko nang kahit na isang tingin ay hindi man lang ako binalingan nito.

Napapabuntong hiningang sumakay nalang rin ako sa kotse at hinayaan na lamang. Halos inabot ng kalahating oras ang naging biyahe namin papunta sa bahay ni Mama, Darwin's Mom. Nang makarating kami ay medyo nagulat ako nang makitang maraming tao ang imbitado. Ang iba ay pamilyar na sakin habang ang iba naman ay hindi.

"My Apo!" Mabilis na nagtungo sa pwesto namin si Mama nang makita niya kami sa living room. Mabilis namang tumalon si Dariel mula sa kinauupuan niya habang hawak na sa kanyang maliliit na kamay ang regalo para sa lola.

"Granny this is Dariel, Mommy and Daddy's gift for you!" Mas lumawak pa ang ngiti sa mga labi ni Mama dahil sa sinabi ni Dariel. Humalik pa ito sa pisngi ng bata bago tinanggap ang regalo.

"Open it! Open it!" Nagtatatalon na saad ni Dariel.

"Okay, okay." Nagtungo si Mama sa sofa at naupo roon. Para namang buntot si Dariel na mabilis ring sumunod at nakiusisa sa regalo naming iyon sa Granny niya.

Nilingon ko si Darwin sa tabi ko at nagtaka nang mawala ito. Where did he go? Sinubukan ko itong hanapin ng mga mata ko sa paligid pero hindi ko siya makita kaya naman inisip ko nalang na baka nag cr lang. bumalik ang atensyon ko kina Dariel at Mama.

"Happy birthday Ma." Bati ko nang bumaling ito sa akin. Mabilis akong nalungkot nang mawala ang ngiti sa mga labi nito. Tila ba sinira ko ang magandang mood niya ngayong araw.

"Sa pagkakaalala ko ay ang Apo at Anak ko lamang ang inimbita ko." Aniya. Pinilit ko na lamang takpan ng pilit na ngiti ang lungkot na nararamdaman ko. She still hate me after all.

"Why are you even here?" Tanong nito habang pinanonood ang paglalaro ngayon ni Dariel. He was playing with the toy he brought.

"It's your birthday po Ma—"

She groaned like she was pissed on my presence, "Get out of my sight, just go and eat with the others."

Countless Tears (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon