[Chapter 23]
"Good morning Mommy!" Nagising ako dahil sa paulit ulit na pag alog ng kama? Ramdam ko ang kirot ng ulo ko habang natatamaan ng mainit na araw ang mukha ko.
"Mommy let's swim! Let's swim!" Muling pag alog sa akin ni Dariel. Tingin ko ay nakaupo siya sa ibabaw ko dali nahihirapan akong huminga.
Nagmulat ako ng mata kahit na hindi ko ito ganoong maimulat. Sinubukan kong patigilin siya sa pag alog sakin dahil mas lalong sumasakit ang ulo ko.
"That's enough Dariel, get off your Mother." Mabilis na hinanap ng paningin ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. I saw Darwin standing right beside the bed. Crossing his arms infront of his chest.
Hinihilot ang sentidong naupo ako sa kama. Muntik pa akong mapahiga ulit dahil tinalunan ako ni Dariel at niyakap. Maya maya rin ay umalis siya sa ibabaw ko at lumapit sa Daddy niya.
"We will have breakfast with the family. Mag ayos kana, take that medicine." Aniya bago binuhat ang anak at isinama ito palabas ng kwarto. Muli kong hinimas ang noo ko dahil kumikirot talaga ang ulo ko.
Why did i even drink that much? Kinuha ko ang gamot na nakapatong sa side table. Katabi non ang isang baso ng tubig. Ininom ko iyon bago dumiretso sa banyo para maligo.
Nang matapos akong maligo ay nagbihis kaagad ako ng wrap jumpsuit ko. It was a nude color. I put my hair down since basang basa pa ito, i can't use blower because i have to hurry. Nang matapos ako sa pag aayos ay kaagad na rin akong bumaba para makasabay sa pagkain ng pamilya.
Naabutan ko ang isang malaking table sa labas ng guest house. Nasa parang kubo ito na walang dingding. Nakita kong naroroon na ang halos lahat, maging ang mga pinsan ni Darwin. Sa gilid ay nakita ko si Deinty na nakayuko habnag nagtatype sa telepono niya.
"Let's eat!" Darwin's Mother said. Naupo ako sa tabi ni Dariel habang sa kabilang gilid naman niya naupo si Darwin. Bigla akong nagutom sa amoy ng iba't ibang luto ng seafoods. Mas natakam pa ko nang makita ko ang baked oyster with cheese.
Nag alok si Linda na siya na ang magpapakain kay Dariel pero tumanggi ako. Kaya ko pa namang pakainin ito kahit gutom na ako. I put rice on his plate and started to peel a shrimp for him.
"Mommy i want that. What is that?" Sinundan ko ng tingin ang tinuturo niya at nakita ang malaking alimango. Tingin ko ay King crab ito dahil masyado itong malaki.
Kumuha naman ako non at sinubukang kuhanin ang laman. Napangiwi ako nang hindi ko magawang buksan ang shell nito gamit ang opener. May umagaw non sa kamay ko kaya naman nilingon ko si Darwin. Tahimik lang akong nanood habang binubuksan niya ang shell.
"I have an announcement." Nalipat ang tingin ng lahat sa nagsalitang si Deinty. Hawak niya pa sa isang kamay ang isang hipon.
"What is it ija?" Mama asked. Deinty smiled before she cleared her throat.
"I'm getting married!" She exclaimed. I heard her mother's gasp.
"With who?!" Mama said.
"Woah parang biglaan naman Dei?" Hendrix said.
"Actually we're engaged for almost a year now. Hindi ko lang sinasabi since I'm busy and all of you were busy." Malaki ang ngiti na aniya. Sa gilid niya ay mayroong dumating na lalaki, he was tall and had a broad shoulder. Mukha rin itong may ibang lahi sa tangos ng ilong nito. May pagkamoreno rin ito at bilugan ang mga mata.
BINABASA MO ANG
Countless Tears (UNEDITED)
General Fiction[Completed] I was lucky enough to marry the man of my dreams. Darwin Riguel Santos. He's my life, my strength and my everything. But everything between us collapsed in a glimpse of an eye. Everything shattered into pieces and we got lost. The marri...