[Chapter 14]
Present
"So where is she?"
"She's on their way. Natraffic lang." Nilingon ko si Direk Bibs na nakapameywang sa isang staff.
Bumalik ang tingin ko sa make up artist at nginitian ito. Someone was curling my waist length hair while someone is doing my make up. Today was the first day of shoot kaya naman medyo kinakabahan ako sa mangyayari.
Anim na taon rin akong hindi humarap sa camera kaya hindi ko maiwasang magdoubt sa sarili ko.
"Maybe when this movie becomes successful, Darwin will be proud of me."
"Come on. Don't be nervous." Nginitian ko nalang si Direk bago bumalik sa binabasa kong script ang tingin ko.
"The great antagonist is finally here." I heard one of the staff said.
"All done." Nakangiting saad sakin ni Barrey. Ang make up artist. Nagpasalamat ako dito at pinagmasdan ang sarili sa salamin.
Napangiti ako nang makita ang sarili. Hindi ganoong heavy ang make up na ginawa niya, he makes it look natural. Parang binigyan lang niya ng kulay ang mapuputlang bahagi ng mukha ko.
"Hi." Nilingon ko ang babaeng naupo sa katabi kong foldable chair.
Saglit akong natigilan. She looks gorgeous in her floral maxi dress. Her cleavage was saying hi to me. It's huge, obviously bigger than mine. I smiled and wave my hand at her.
"She's the antagonist Klow." Dumating sa gilid ko si Direk Bibs. Nakangiti na ang kaninang nakasimangot niyang mukha.
"Maka Antagonist naman. Well you must be the Protagonist. Nice to finally meet you, all of you to be exact." Saad ng magandang babae. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya dahil sa alindog na dala niya. Sanay naman na akong makakita ng mga artista pero ngayon lang ako naka meet ng tulad niya.
She's a goddess. Mayroon siyang nakakaakit na ngiti at magandang katawan. Maputi at makinis rin ito na para bang gatas ang ginagamit nitong pampaligo. The red shade of her lip stick made her look more fierce.
"I heard beterano ka na sa pag acting." Nakangiting saad niya habang inuumpisahan na siyang ayusan ng kanyang make up artist. Hindi parin tapos ang hairstylist ko sa buhok ko kaya hindi ko pa magawang makatayo.
"Hindi naman." Ngumiti ako.
"I'm actually a model kaya hindi ako ganoong kagaling umarte. But i hope we can get along well."
Sasagot na sana ako nang humarang sa gitna namin si Direk Bibs. He hand me a four page of paper. Bumaba ang tingin ko roon at napagtantong oras na para magkabisa ako ng mga lines ko. Actually kabisado ko naman na ito pero dahil kinakabahan ako, kakabisaduhin ko nalang ulit.
"Let's shoot the first scene while Tanya is getting ready." Nag angat ako kay Direk at tumango. Hindi ko namalayang tapos na rin pala ang pag aayos sa buhok ko. Nagpasalamat ako sa hairstylist bago ako tumayo.
"Good luck!" Nilingon ko si Tanya at ngumiti dito.
"Thank you."
Hindi naman ako nahirapan sa first shoot. It only takes 30 minutes before we finished. Kasunod noon ang scene kung saan kasama ko na si Tanya. Nakailang take rin kami dahil tulad nga ng sabi ni Tanya, she's not used to act infront of the camera. May mga lines rin siyang nalilimutan at naiintindihan ko naman iyon kapag kami ang magka scene.
Natapos ang first day ng shoot. Hindi naman na disappoint si Direk dahil nagawa naman namin ng maayos ang ilang scenes.
"How's work Miss Chlouie? Pa autograph naman po." Natawa ako sa bungad sa akin ni Jessica nang makapasok ako sa sasakyan niya. Sasabay kasi ako sa kanya papunta sa bahay nila since naroroon si Dariel. Hindi pa kasi ako nakakahanap ng Yaya na pwedeng mag alaga sa kanya. Ayoko kasing kumuha basta basta, i want someone who can take a very good care of him.
"Si Tanya ba yun?" Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Jessica habang nakaturo sa unahan. Nilingon ko naman iyon at nakita ko nga ang naglalakad na si Tanya kasama ang P.A niya.
"Oo. Papa autograph ka?" Biro ko.
"Hindi naman. I just saw her in a magazine. Sobrang ganda niya pala talaga sa personal." Aniya at sumang ayon naman ako.
"Kilala kaya siya sa mga magazine brands. Ganda kasi eh. Nag ra ran away din siya sa new york. If ganyan lang ako kaganda edi sana lima na anak namin ni Tristan." Nakanguso siyang nakasandal ang baba sa manibela.
"Lima?!" Nanlalaking matang sabi ko.
"O bakit? Sarap kaya ng asawa ko." Malaking ngisi na saad niya kaya naman nahampas ko ang braso niya.
"Umayos ka nga!" She laugh.
"Anyway kanina ka pa hinahanap ni Dariel. And he's saying something."
"Ano?"
"He said 'Tita where is mommy? Why did she go to work? Did they hate me?' You should explain everything to him. Kawawa naman yung bata, wala na nga yung ama wala pa sa tabi yung Nanay." Aniya at pinaandar na ang kotse.
Natahimik naman ako dahil roon. Naglalaro na sa isip ko kung tama bang tinanggap ko ulit ang trabahong ito? Pero hindi na ako pwedeng umatras. Nagbuntong hininga ako. Naisip ko na noon na pupwedeng mangyari ito sa oras na magsimula nag trabaho ko.
Dariel will be sad. Pero alam kong maiintindihan niya ako. Isa rin sa mga naging dahilan ng pagpayag ko sa pagtanggap ng trabahong ito ay ang napag usapan namin ni Jessica.
"Alam mong one day pupwedeng iwan ka ni Darwin. Wala kang magagawa kapag nangyari yon."
"I-i won't let that happen."
"Pero di mo hawak ang future, Chlouie. Ang sakin lang, kapag tinanggap mo yung project hindi mo na kakailanganin si Darwin when it comes on financial. You won't lean on him lalo pa at hindi mo sigurado ang future. If ever na iiwan ka man niya, you still have your own money to start a new life with your son."
Hindi ko man maisip ang future na wala sa tabi ko si Darwin. Naisip ko parin na posible nga iyong mangyari. Ayoko man, meron paring posibilidad. Pero kahit na ganito, pipilitin ko parin ang makakaya ko para hindi iyon mangyari.
Hinalikan ko ang noo nang natutulog na si Dariel. Tulog na siya nang makarating kami ni Jessica sa kanila. Medyo malalim na rin kasi ang gabi nang matapos kami sa set.
Nagbuntong hininga ako bago isinara ang kwarto ni Dariel. I will explain everything to him tomorrow.
"Darwin." Gulat na saad ko nang pagpasok ko sa kwarto ay naroroon na ang mukhang bagong dating lang na si Darwin. Nakasuot pa kasi ito ng suit niya at inilalapag palang ang hinubad na relo sa kama.
"Kumain ka na ba?" Tanong ko rito. He just nodded and went to the bathroom. Nagbuntong hininga naman ako at kinuha ang mga gamit at damit niya sa kama.
Tumunog ang teleponong nasa loob ng bag ko. Akmang kukuhanin ko iyon para sagutin nang matigilan ako sa isang pang ringing sound. It was Darwin's phone. I was about to get it but it stopped from ringing. Hindi ko na ito pinansin pa dahil alam ko kung gaano kaayaw ni Darwin na pinakikielaman ko ang phone niya. Mag aaway lang kami.
BINABASA MO ANG
Countless Tears (UNEDITED)
Fiksi Umum[Completed] I was lucky enough to marry the man of my dreams. Darwin Riguel Santos. He's my life, my strength and my everything. But everything between us collapsed in a glimpse of an eye. Everything shattered into pieces and we got lost. The marri...