Chapter 30

25.2K 393 31
                                    

[Chapter 30]

"Where's Chlouie?" Tanong ni Jessica kay Chelsey na kasalukuyang nagtitipa sa screen ng kanyang telepono.

"I don't know. Sabi niya may bibilhin lang siya sa toy store." Chelsey answered without giving her a glance. Napairap naman si Jessica dahil sa kabusyhan nito sa pagtitipa ng mensahe para sa kung sino.

"There you are—bakit ang dami niyan?" Kunot ang noo na tanong ni Jessica sa kakarating lamang na kaibigang may bitbit sa dalawang kamay na malalaking plastic bags.

"Para kanino naman yan Ate? Ang galante mo namang ninang if ever." Nangingiting saad ni Chelsey na ngayon ay nasa kapatid na ang atensyon.

Malaki ang ngiti sa labi ni Chlouie. Tumatawa pa ito na para bang sinasabing 'Hindi pa ba obvious?'

"It's for my son of course." Masayang anito na nagpalaho sa ngiti ng dalawa nitong kasama.

"W-what? Kanino?" Tanong muli ni Jessica.

"Para kay Dariel. He asked me to get this for him—oh! I forgot about his favorite candies! Hawakan mo muna to, bibili lang ako." Inabot ni Chlouie ang mga plastic bags sa kapatid bago mabilis na tumalikod. Jessica was about to stop her but Chelsey immediately shook her head.

"Sa bahay nalang natin sabihin." Chelsey whispered.

"What? Bibili pa siya, walang kakain non. Mas lalo lang siyang maniniwalang may naghihintay nga sa kanya sa bahay."

"Magwawala siya dito Ate Jess. Kaya sa bahay nalang." Bumuntong hininga si Jessica bago pilit na tumango.

Nang makauwi sila sa bahay ay hindi parin nawawala ang ngiti sa labi ni Chlouie habang masaya nitong bitbit ang mga platic bags kung saan nakalagay ang iba't ibang uri ng laruan. Nakarating ito sa living room ng kanilang bahay at doon ay napatigil siya nang makita ang ina na mukhang may bisitang nakatalikod mula sa kanya.

"What are those?" Tanong ng kanyang Ina. Dahil sa laki ng plastic bags ay malabong hindi ito mapapansin ng ginang.

"Oh these? It's for Dariel—where is he by the way?" Ang kaninang nakangiting ina ay naging seryoso. Tumingin ito sa dalawang kasama ng anak bago ibinalik rito ang tingin.

"Chlouie what are you doing?" Tanong nito sa anak. Kumunot naman ang noo ni Chlouie rito bago ibinaling sa bisita ang tingin.

"Darwin." She said, "Oh are you here to take Dariel out? Alright i will go and call him. Baka nanonood nanaman ng Cartoons sa kwart—"

"CHLOUIE!" Galit na sigaw ng kanyang Ina dahilan para mapatalon siya sa gulat. She gave her a confused look.

"Stop this! Alena! ALENA!" Pagtawag ng Ginang sa kanyang kasambahay. Mabilis namang dumating si Alena at tumabi sa kanyang amo.

"Sunugin mo lahat ng ito!"

"What?! It's for my son Mom! Stop! Don't touch anything Alena! Mom ano ba! This is for—"

Isang malakas at nakakabinging sampal ang ibinigay ng ginang sa kanyang anak. Mabilis na lumapit si Jessica sa kaibigan at dinaluhan ito. Darwin was so surprised from everything.

"Dariel is Dead! It's been a month Chlouie! Get yourself together and stop buying these stuffs! Patay na ang anak mo! Wala ka nang anak!" Anang Ginang habang nangingilid ang mga luha sa mata. Hindi niya na kinakaya pang makitang nagkakaganito ang anak niya. She can't bear seeing her completely lose her mind!

Tila ba natauhan si Chlouie. Tears began to fall from her tears. She was on the reality again, the reality where she doesn't have the son she was longing for. Humikbi siya nang maramdamang muli ang sakit, muli nanaman siya nangulila sa anak.

Countless Tears (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon