Chapter 11

34.8K 682 34
                                    

[Chapter 11]

Forty nine..

Fifty..

Fifty one..

Fifty two..

"Chlouie!"

Mabilis akong napakurap sa malakas na pagtawag sa pangalan ko. Nilingon ko si Jessica na ngayon ay nakasimangot sa akin. I was too focus on counting the balloons. I didn't hear her calling me. Bigla tuloy akong nahiya sa tindera.

"I'm asking you about this." Itinaas ni Jessica ang dalawang kamay niya na parehong may hawak na kandila. Pareho lang ito ng tatak pero magkaiba ng kulay.

"Both. Mas magandang dalawang kulay ang bilhin mo para sa ninang at ninong." I suggested. Binyag kasi ng two months old niyang anak na si Kendra this week kaya namimili na kami ng mga kakailanganin niya.

Kendra is my long time bestfriend. We're friends since high school at isa siya sa mga taong pinaka malapit sa akin. She was also one of those 'friends' who stayed by my side through my ups and downs.

Nang makabayad na si Jessica ay ipinasok niya na lahat ng napamili sa kanyang vios na sasakyan. Tinulungan ko rin siya sa pagbubuhat at chineck na rin kung nabili niya na lahat ng kakailanganin niya para sa isang araw.

"Grabe ang init puta!" She boldly said when we entered her car. Mabilis kong tiningnan ang oras sa suot kong wrist watch.

"Daan tayo sa Angel's Kindergarten." Saad ko rito na agad niya namang sinang ayunan. Dadaanan na namin si Dariel dahil mag aalas dos na. Malapit na siyang lumabas.

Dumaan muna kami sa drive thru ng mcdo para ibili ng makakain si Dariel. Didiretso kasi kami sa condo nila Jessica dahil tutulungan ko pa siyang mag ayos ng mga gamit na gagamitin para sa binyag ng anak niya. Mag isa kasi siya sa bahay at walang makakatulong sa kanya kaya gusto ko siyang samahan. Her husband is on another country, mukhang sa mismong araw pa ng binyag ito makakauwi.

"Can you get my card in there?" Itinuro niya ang compartment kaya naman sinunod ko ito.

"Naiinis talaga ako diyan sa kamay mo." Umiirap na saad niya habang iniaabot sa babae ang card na ipinakuha niya.

Tiningnan ko naman ang naka bandage na kamay kong kinaiinisan niya. Pareho itong nakabandage dahil parehong marami ang sugat. Bumuntong hininga ako at tumingin na lamang sa bintana.

"Ang sabi ko naman kasi sayo, okay lang magpaloko pero wag kang pipisikalin." She said as she started to move her car on the road.

"Didn't i told you before? Dapat noon palang ay pinirmahan  o na yung annulment na binibigay ng gago mong asawa." Muli akong bumuntong hininga. She was always like this—no. Dati ay suportado niya naman ang relasyon namin ni Darwin, naging ganito lang siya nang magsimulang magulo ang pagsasama naming mag asawa.

"I told you, ako ang may kasalanan ng mga sugat na ito."

"Pero siya ang dahilan! And come to think of it, he let you bleed to death! Tama bang gawain yon?"

I chuckled, "Ang OA mo ha, hindi naman ako namatay."

"Ganun rin yon. It's still blood. Saka kung hindi pa ko dumating edi naubusan ka na ng dugong gaga ka!" Saglit niya kong sinilip na para bang gusto pa kong batukan pero hindi niya magawa dahil nagdadrive siya. I smiled, She was worried and I understand.

Countless Tears (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon